IDNStudy.com, ang perpektong platform para sa malinaw at eksaktong mga sagot. Hanapin ang impormasyon na kailangan mo nang mabilis at madali sa pamamagitan ng aming komprehensibo at eksaktong platform ng tanong at sagot.
Sagot :
CHILD LABOR LAW
- Ang Republic Act No. 9231 ng Pilipinas na nilagdaan noong Disyembre 19, taong 2003, ay tumutukoy sa batas na naglalayong sawatain at hangga't maaari ay ipagbawal ang tinatawag na child labor at mapag-abusong mga anyo nito.
Karagdagang impormasyon:
Ang batas ay nangangalaga at nagbibigay ng proteksyon sa mga bata na sa kanilang murang edad pa lamang ay nagtatrabaho na. Mas pinaigting naman ito ng isa pang batas na Republic Act No. 7610, na naglalayong bigyan ng espesyal na proteksyon ang mga kabataan laban sa diskriminasyon, pananamantala, at abuse.
Mga pangungusap na nagpapahayag ng proteksyon sa mga kabataan at child labor:
1. Nakasaad sa Convention on the Rights of the Child, sa artikulo 32 ng United Nations, na ang mga bata ay dapat may proteksyon sa anumang uri ng pang-aabuso.
2. Ang DOLE o Department of Labor and Employment ay nagbibigay ng ayuda at tulong sa magulang ng mga batang kanilang napag-aalaman na nagtatrabaho, upang maiwasan ang child labor.
3. Ang mga kompanya at establisyemento ay ipinagbabawal ang pagkuha ng mga manggagawa na menor de edad, sapagkat ito ay bawal at upang maiwasan ang child labor.
Tingnan ang link para sa iba pang impormasyon:
- https://brainly.ph/question/372445
#SPJ1
Ang iyong kontribusyon ay napakahalaga sa amin. Huwag kalimutang bumalik upang magtanong at matuto ng mga bagong bagay. Sama-sama tayong lumikha ng isang mas matibay na samahan. May mga katanungan ka? Ang IDNStudy.com ang may sagot. Salamat sa iyong pagbisita at sa muling pagkikita.