1. Aksiyon
• May aksiyon ang pandiwa kapag may aktor o tagaganap ng aksiyon/kilos.
• Mabubuo ang mga pandiwang ito sa tulong ng mga panlaping: -um, magma-,
mang-, maki-, mag-an.
• Maaring tao o bagay ang aktor.
2. Karanasan
• Nagpapahayag ng karanasan ang pandiwa kapag may damdamin. Dahil
dito, may nakararanas ng damdamin na inihuhudyat ng pandiwa. Maaring
magpahayag ang pandiwa ng karanasan o damdamin/emosyon. Sa ganitong
sitwasyon may tagaranas ng damdamin o saloobin.
3. Pangyayari
• Ang pandiwa ay resulta ng isang pangyayari.
Halimbawa:
a. Sumasaya ang mukha ni Venus sa nakikita niya sa paligid.
b. Nalunod ang mga tao sa matinding baha.