Magtanong at makakuha ng malinaw na mga sagot sa IDNStudy.com. Magtanong ng anumang bagay at makatanggap ng detalyadong sagot mula sa aming komunidad ng mga eksperto.

Ano ang mga epekto sa aking pamilya​

Sagot :

Answer:

Mga Epekto ng Hindi Pagsasabi ng Katotohanan

Ang pagsisinungaling o hindi pagsasabi ng katotohanan ay maaring makasakit sa ibang tao.

Maaring mawalan na ng tiwala sa iyo ang isang taong pinagsisinungalingan mo.

Magkakaroon ka ng kasalanan sa Diyos, dahil nakasaad sa sampung utos ng Diyos na "huwag kang magsisinungaling".

Maaring may makaalitan o makaaway na ibang tao dahil sa hindi mo pagsasabi ng totoo.

Maari kang kagalitan ng taong pinagsinungalingan mo.

Maraming maging epekto ang hindi pagsasabi ng katotohanan o pagsisinungaling kaya, bilang tao palaging piliing magsabi ng katotohanan para maging malinis at payapa ang iyong kalooban na walang iniisip o walang inaalala, dahil ito ang magdadala sa iyo sa isang payapang pamumuhay na may kabutihan at busilak na kaloobang tinataglay.

Pagmamahal sa Katotohanan

Ang pagmamahal sa katotohanan o Love of Truth ay ang pagiging totoo at tunay na dapat maisabuhay at mapagsikapang mapairal sa lahat ng pagkakataon. Sabi nga "ang pagiging mapagmahal sa katotohanan ay kinagigiliwan ng sinuman" mula dito nakabubuo tayo ng isang maganda komunidad at pagkatao

Ito ngayon ang hamon sa bawat tao – maging instrumento tungo sa katotohanan at magsikap na mapanindigan nang may katuwiran ang piniling pasiya at mga pagpapahalaga.  

Ang Misyon ng Katotohanan  

Ang katotohanan ang nagsisilbing ilaw ng tao sa paghahanap niya ng kaalaman at layunin niya sa buhay.  

Ang pagsukat ng kaniyang katapatan ay nangangailangan ng pagsisikap na alamin ang katotohanan.  

Sa bawat tao na naghahanap nito, masusumpungan lamang niya ang katotohanan kung siya ay naninindigan at walang pag-aalinlangan na sundin, ingatan, at pagyayamanin ito.  

Ang sinumang sumusunod dito ay nagkakamit ng kaluwagan ng kanyang buhay na may kalakip na kaligtasan, katiwasayan, kapayapaan at pananampalataya.  

Ang pagpapahayag ng katotohanan ay tunay na mabuti at matuwid na gawain at walang pasubali na isa itong moral na obligasyon ng bawat tao.  

Ang pagsasabi ng totoo ay pagpapairal ng kung ano ang inaasahan sa atin bilang tao at mapanagutang mamamayan sa lipunan. Ito rin ay pagpapakita ng paggalang at pagpapahalaga sa dignidad ng sarili at ng kapuwa.  

Sa pangkalahatan, ang katotohanan ay dapat mahalin, mapanindigan at ipahayag nang may katapangan sa angkop na pagkakataon dahil ito ang nararapat gawin ng isang matapat at mabuting tao.  

Para sa karagdagan pang kaalaman, magtungo sa mga link na nasa ibaba:  

Isyung tungkol sa kawalan ng paggalang sa katotohanan: brainly.ph/question/1309190  

brainly.ph/question/548749  

#LetsStudy