IDNStudy.com, ang iyong destinasyon para sa malinaw at mabilis na mga sagot. Makakuha ng hakbang-hakbang na mga gabay para sa lahat ng iyong teknikal na tanong mula sa mga miyembro ng aming komunidad na may kaalaman.

ang tatlong uri ng mitolohiya sa aral pan​

Sagot :

Answer:

Mga uri ng Mitolohiya

Ang mga diyos at diyosa: kanilang mga gawain at pakikipag-ugnayan(The Gods: their activities and relationships)

Ang mitolohiyang ito ay pumapaksa sa mga diyos at diyosa at ang kanilang kamangha-manghang kakayahan. Dito ay nakikipag-ugnayan ang mga diyos at diyosa sa tao. May mga pagkakataon pang sila ay nagkaroon ng anak sa tao. Ang mitolohiyang Griyego at Romano ay nasa uring ito. Sa Pilipinas, may mga mitolohiya rin tayong tungkol sa ugnayan ng diyos sa diyosa sa tao at isa sa mga halimbawa nito ay ang kuwento ni Lumawig na pinananiniwalang lumikha sa mga Igorot.

Pinanggalingan ng Daigid at Uniberso(Cosmology and Cosmonogy)

Isinalaysay sa mitolohiyang ito ang mga kuwento ukol sa pagbuo ng daigdig at ng mga bagay na makikita rito. Ilan ang mga halimbawa nito ay ang mga sumusunod:

Hermopolis- Bumubukal ang mitolohiyang ito na nagpapaliwanag sa paglikha ng daigdig sa Lungsod ng Hermopolis sa sinaunang Ehipto.

Coatlicue o Teteoinan- Ito ay mitolohiya ng mga Aztec. Naniniwala silang si Teteoinan ang ina ng mga diyos at diyosa.

Viracocha- Ito ay mitolohiya ng mga Inca sa rehiyong Andes ng Timog America. Ayon sa mitolohiyang ito, si Viracocha ang may lalang ng lahat ng bagay sa daigdig. Siya rin ang may likha ng buong uniberso. SIya ang dahilan kung bakit tumatakbo ang oras sa pamamagitan ng pag-utos sa araw na gumagalaw.