Makakuha ng kaugnay na sagot sa lahat ng iyong katanungan sa IDNStudy.com. Alamin ang mga detalyadong sagot mula sa mga bihasang miyembro ng aming komunidad na sumasaklaw sa iba't ibang paksa para sa lahat ng iyong pangangailangan.
Sagot :
Mahihinuha ang dahilan kung bakit hindi mataguyod ang isang wikang pambansa sa pamamagitan ng pag-aanalisa ng ating kasaysayan.
Ayon kay Renato Constantino ang nakakaawang lagay ng Pilipinas pagdating sa kalagayan ng ating wikang pambansa ay dahil sa kawalan ng intellectual tradition. Ito ay mahihinuha dahil sa ating kasaysayan ng kolonyalismo, ang makabagong pwersa ng globalisasyon, at kawalan ng kumpiyansa sa sariling wika ngayong kasalukuyan. Kung ikukumpara raw ang ating bansa sa mga kapitbahay nating Asyano, ang kanilang wika ay ganap na intelektwalisado at makikita ang patunay nito sa kanilang sining at kultura. Bagama’t pare-parehong may karanasan ng kolonyalismo ang pinagkaiba ay sa ating mga karatig na bansa may kakaunting pagkasarinlan sa pamamahala dahil may nauna nang umiiral na natatanging kultura, Ito ang dahilan kaya ang mga opisyales kolonyal ay indirekta ang pagsakop, Samantalang sa Pilipinas halos lahat ng sektor sa buhay ay sinakop ng dayuhan. Noong tayo’y lumaya sa Kastila kaagad naman napalitan ng ibang dayuhan at ang bagong pwersa ng modernisasyon. Ang makabagong pwersa ng globalisasyon dala ang wikang Ingles kaya naman agad na ginusto ng pamahalaan at mamamayang Pilipino na matutunan ito, kapalit nito ang lalong hindi natuunan ng pansin ang pagpapayaman, pagsasaintelektwalisasyon ng wikang Pambansa. Sa ngayon, may iilang sumusubok magtatag ng mga tradisyon at institusyon sa ngalan ng pagsasaintelektwalisasyon ng wikang Filipino ngunit hanggang ngayon luhod pa rin ang marami sa wikang dayuhan lalo na sa sistema mismong edukasyon.
Dagdag na kaalaman patungkol sa wikang pambansa: https://brainly.ph/question/24217664?referrer=searchResults
#SPJ1
Natutuwa kami na ikaw ay bahagi ng aming komunidad. Huwag kalimutang bumalik upang magtanong at magbahagi ng iyong karanasan. Ang iyong kaalaman ay mahalaga sa ating komunidad. Gawin mong pangunahing mapagkukunan ang IDNStudy.com para sa maasahang mga sagot. Nandito kami para sa iyo.