Sumali sa IDNStudy.com at simulang makuha ang maaasahang mga sagot. Makakuha ng hakbang-hakbang na mga gabay para sa lahat ng iyong teknikal na tanong mula sa mga miyembro ng aming komunidad.

PERFORMANCE TASK No. 2 Basahin at unawaing mabuti ang sumusunod na kwento. Pagkatapos, isulat ang buod nito sa mga patlang sa ibaba. Si Edison ay isang batang napakasipag. Gumigising siya ng madaling-araw para magtinda ng dyaryo. Ginagawa niya ito para makatulong sa kanyang nanay na maysakit. Isang umaga'y nginig na nginig na si Edison sa ginaw. Gustuhin niya mang umuwi'y hindi pa ubos ang dyaryong kanyang tinitinda. Upang mabawasan ang lamig na nadarama ay patakbo-takbo siya sa mga nagdaraang sasakyan at mga taong tumatawid sa daanan. Sa tuwing makakaramdam siya ng matinding ginaw ay inaalala niya na lamang na kailangan niyang maghanap-buhay para sa kaniyang inang maysakit. "Bili na po kayo ng dyaryo mga mama, mga ale," halos ay ipinagpipilitan niyang alok sa mga tao. Tinawag siya ng isang matandang lalaki. "Totoy, pabili nga," sabay-abot ng bayad sa dyaryo. "Napakalamig ng panahon. Baka magkasakit ka. Umuwi ka na. Naririnig ko na ang iyong hingal- kabayo. Mukhang pagod na pagod ka na," patuloy na wika ng matanda. "Ang bata-bata mo pa ay naghahanap-buhay ka na," puna pa ng matanda. "Maysakit po kasi ang aking ina at ang iba ko pong kinikita ay inihuhulog ko sa bangko para po masunod ang hilig ko sa paglaki," sagot ni Edison. "Bakit, ano ang hilig mo paglaki?” "Ang maging isang inhinyero po. Gusto ko po kasing makatulong sa paggawa ng malalaking kaisada para maibsan ang trapiko rito sa lungsod," paliwanag ni Edison. "Natutuwa akong marinig iyan sa iyo, iho. Sa nakikita ko't napupuna sa mga kilos mo, siguradong malayo ang mararating mo," nangingiting wika ng matanda. "Patnubayan ka sana ng Diyos," dagdag pa miya. "Sige pot may tumawag na sa aking bibili ng dyaryo," paalam ni Edison sa kausap na matanda. Napailing sa paghanga ang matanda habang tinatanaw palayo si Edison. "Pambihira ang kanyang sipag at tiyaga," bulong niya sa sarili.​

Sagot :

HI 40 is a thankyou means hi

Ang iyong presensya ay mahalaga sa amin. Patuloy na magbahagi ng iyong karanasan at kaalaman. Ang iyong ambag ay napakahalaga sa aming komunidad. Umaasa kami na natagpuan mo ang hinahanap mo sa IDNStudy.com. Bumalik ka para sa mas maraming solusyon!