Makakuha ng detalyadong mga sagot sa lahat ng iyong tanong sa IDNStudy.com. Makakuha ng hakbang-hakbang na mga gabay para sa lahat ng iyong teknikal na tanong mula sa mga miyembro ng aming komunidad.

Ano po ba an pinagkaiba ng hyperbole sa personipikasyon?

Sagot :

Personipikasyon (Personification) - Pagsasalin ng mga katangian ng isang tao tulad ng talino, gawi, at kilos sa mga bagay na walang buhay.

Halimbawa:

   Lumuha pati ang langit sa kanyang naging kasawian.

Pagmamalabis Eksaherasyon (Hyperbole) - Dito ay sadyang pinalalabis o pinakukulang ang kalagayan o katayuan ng tao o bagay na tinutukoy.

Halimbawa:
   
   Lumuha ng dugo ang anak subalit hindi na niya maibabalik ang nawalang buhay ng kanyang ama.
 
   *Kapag personipikasyon, yung bagay na iyon, ginagawa yung mga kilos na dapat tao lang ang gumagawa kagaya ng, lumuha. Nakakita ka na ba ng bagay na lumuha? Di ba tao lang gumagawa noon?
    Sa kabilang banda, ang eksaherasyon naman ay kapag sobrang OA naman yung kilos doon. Lumuha ng dugo? Parang masasabi mo na lang na, serious ka? Madalas yung mga kilos sa eksaherasyon ay imposible dahil sa sobrang ka-OAan. 
    So iyon, hope you understand :)