Makahanap ng mga solusyon at sagot sa lahat ng iyong katanungan sa IDNStudy.com. Makakuha ng mga sagot sa iyong mga tanong mula sa aming mga eksperto, handang magbigay ng mabilis at tiyak na solusyon.

ang aking pangarap essay 5 sentence?​

Sagot :

Answer:

Bata pa lang ako ay mahilig na akong magluto. Sa katunayan, palagi akong nakasunod sa aking mga magulang sa tuwing sila ay nagluluto ng aming pagkain. Dito ako nagsimulang mangarap na maging isang magaling na chef.

Iisa lang ang naiisip ko na paraan upang maabot ko ang aking  pangarap. Ito ay ang pag-igihan ko ang aking pag-aaral dito sa Alternative Learning System (ALS). Pipilitin kong maipasa ang darating na Accreditation at Equivalency (A&E) Test na talaga namang susubok sa aking kakayahan. Kapag nakapasa ako sa pagsusulit na ito, ako ay magkakaroon na ng haykul diploma at maaari na rin akong makapasok sa kolehiyo kung saan culinary arts ang kursong aking kukuhanin. Hindi ko na hahayaang masira ng sobrang pakikipag-barkada ang aking pag-aaral kapag ako ay nasa kolehiyo na. Gagagawin kong inspirasyon ang aking pamilya, lalong-lalo na ang aking mga kapatid na sobrang natutuwa kapag ako ang nagluluto sa aming bahay.

Kapag ako ay isang ng ganap na chef , ang unang-una kong gagawin ay ang magpasalamat sa ating Panginoon sapagkat hindi ko maabot ang aking pangarap kung hindi niya ako ginabayan sa aking pagbabagong-buhay at pag-aaral. Magpapasalamt rin ako sa aking pamilya at mga guro na umagapay sa akin.

Explanation:

Sana po makatulong ang sagot ko.

Pa brainliest po pls.

Answer:

pangarap kong magkaroon ng magandang buhay,makasama ang mga magulang at kapatid hangang paglaki ko at lahat ng aking pamilya dahil sila ang dahilan kung bakit ako nandito sa mundong ito,pangarap kong makapag tapos sa pag aarala upanv makapag trabaho,pangarap kong maging masaya kasama ang pamilya ko at pangarap kong maging isang mabuting tao sa lagat ng mabubuti ang loob