IDNStudy.com, ang iyong mapagkukunan para sa mga sagot ng eksperto at komunidad. Tuklasin ang malawak na hanay ng mga paksa at makahanap ng maaasahang sagot mula sa mga bihasang miyembro ng aming komunidad.

ano ang ibig sabihin ng magkasalungat

Sagot :

Answer:

Ibig Sabihin ng Magkasalungat

Ang salitang "magkasalungat" ay binubuo ng unlaping magka- at salitang ugat na salungat. Ang ibig sabihin ng salitang ito ay magkaiba o magkabaliktaran.

Kadalasang ginagamit ang salitang "magkasalungat" sa mga salitang magkaiba ang kahulugan o magkabaliktaran. Sa Ingles, ito ay opposite.

Halimbawa ng Mga Salitang Magkasalungat

Narito ang ilang halimbawa ng mga salitang magkasalungat o magkaiba ang kahulugan.

  • Mataba - Mapayat
  • Makinis - Magaspang
  • Maliit - Malaki
  • Kaunti - Madami
  • Mabango - Mabaho
  • Bago - Luma
  • Iyak - Tawa
  • Malinis - Madumi
  • Hirap - Ginhawa
  • Gutom - Busog
  • Buo - Durog
  • Mataas - Mababa
  • Matigas - Malambot
  • Malinaw - Malabo
  • Ayaw - Gusto
  • Mahal - Mura
  • Maikli - Mahaba
  • Kulot - Unat

Para sa dagdag na halimbawa, bisitahin ang link:

https://brainly.ph/question/2551051

https://brainly.ph/question/106304

#LetsStudy