Makahanap ng eksaktong solusyon sa iyong mga problema sa IDNStudy.com. Ang aming platform ng tanong at sagot ay idinisenyo upang magbigay ng mabilis at eksaktong sagot sa lahat ng iyong mga tanong.

ano ang pangyayari kung saan pinalakad ang mga sundalong amerikano at pilipino mula sa bataan hanggang sa capas tarlac

Sagot :

Sa ibang bansa, ang petsa ng pagtatagumpay sa digmaan ang ipinagdiriwang. Ngunit sa Pilipinas, ang araw ng pagbagsak ng Bataan noong 1942 ang ginugunita natin bilang Araw ng Kagitingan, April 9. Oo nga at napakahalaga ng pangyayaring ito nang pagsuko ng mga pwersang Pilipino-Amerikano sa mga Hapones matapos ang pinakamatagal na pakikibaka laban sa mga Hapones sa Asya, mahigit tatlong buwan sa kabila nang pag-iwan ng suporta ng pamahalaan ng Estados Unidos sa mga defenders ng Bataan. Sinundan ito ng malagim na Death March kung saan mga 70,000 sundalong Pilipino at 11,000 na mga Amerikano ay pwersahang pinalakad ng 100 kilometro mula Bataan hanggang Capas, Tarlac. Sa buong mundo, ang “Remember Bataan” ay naging simbolo ng katapangan ng Pilipino at Amerikano. Ngunit napapaisip ako, hindi kaya may kinalaman ang paggunita lamang natin sa “Fall of Bataan” sa kaisipang ang mga beterano at gerilyerong Pilipino ay talunan noong World War 2 o Ikalawang Digmaang Pandaigdig? Na ang tunay na bida lamang na nagligtas sa atin sa mga pelikula at sa mga palabas ay si Heneral Douglas MacArthur at ang mga Amerikano. Kung hindi sila dumating, hindi
"death March" ang tawag sa pagpapalakad ng mga amerikano sa pilipino