IDNStudy.com, ang perpektong platform para sa eksaktong at maaasahang mga sagot. Ang aming komunidad ay nagbibigay ng eksaktong sagot upang matulungan kang maunawaan at malutas ang anumang problema.
Sagot :
Explanation:
Sa aking pananaw, maraming karaniwang isyu ang ikinakaharap ng ating lipunan na nagkakaroon ng mga negatibong epekto hindi lang saating mamamayan kundi sa ating bansa. Bilang isang kabataan isang karangalan na ipahayag ang aking saloobin ukol sa mga isyu ngayon sa ating lipunan.
Una at higit sa lahat, isa sa isyu na ating nararanasan sa ating lipunan ay ang waste disposal. Tayong mga pilipino ay may kakayahan na mapaunlad at mapalinis ang ating kapaligiran sa pamamagitan ng pagtapon ng ating mga basura sa tamang lalagyan, sa simpling hindi pagtapon ng ating mga basura sa kung saan-saan, at sa simpling paggawa ng paraan upang mabawasan ang mga negatibong epekto nito sa ating kalamidad, wildlife, at sa ating kalusugan katulad ng pag recycle pag hihiwalay ng mga basura na naayon sa uri nito. Dagdag pa ay ang pagpapanatili ng malinis na kapaligiran.
Bilang isang kabataan, wala akong ibang hinahanggad kundi ang magkaroon tayo ng bansang maunlad, malinis, maganda, at kinikilala ang mga mamamayang pilipino hindi lang sa kultura o sa mga kakayahan nito kundi sa pagiging responsable at pagiging mapagmahal sa sariling bansa at tahanan. Dahil hindi lamang tayo na nasa kasalukuyan ang makikinabang kundi ang mga susunod na henerasyon . Nawa ay maging mabuting halimbawa tayo sakanila sa pamamagitan ng pagkakaisa, at pagmamahalan.
Maraming mga sulosyon at paraan upang tayo ay makatulong sa pagunlad ng ating bansa at lipunan. Ating pagaralan ang mga bagay tungkol sa mga ito, katulad ng pagtatanim ng mga puno, at marami pang iba. Tayo'y magkaisa sa pagunlad ng ating bansa, dahil walang iba ang gagawa nito kundi tayo lamang na naninirahan dito.
Natutuwa kami na ikaw ay bahagi ng aming komunidad. Magpatuloy sa pagtatanong at pagbibigay ng mga sagot. Sama-sama tayong magtutulungan upang makamit ang mas mataas na antas ng karunungan. Umaasa kami na natagpuan mo ang hinahanap mo sa IDNStudy.com. Bumalik ka para sa mas maraming solusyon!