Sumali sa IDNStudy.com at makuha ang mga sagot ng eksperto. Ang aming komunidad ay handang magbigay ng malalim at praktikal na mga solusyon sa lahat ng iyong mga katanungan.
Sagot :
Pananaw ng mga Muslim sa Pagpapanatili ng KanilangKalayaan
PANIMULA
Sa nakaraang aralin, nabatid mo ang mga naunang pag-aalsa ng makabayangPilipino. Nalaman mo ang naging dahilan ng kanilang pag-aalsa laban sa mga Espanyolat ang kanilang pagkabigo sa kanilang pakikipaglaban.
Sa araling ito, maipaliliwanag ang pananaw at paniniwala ng mga Muslim sakanilang relihiyon sinasaniban. Mahalagang malaman at matukoy kung bakit nagingmatatag ang mga Muslim na ipagtanggol ang kanilang relihiyon at mapanatili angkanilang kalayaan laban sa mga mananakop.
Mga Katangian ng Sultanato at mga Pananaw ng mga Katutubong Muslim
• Ang sultanato ay ang pamahalaan ng mga Muslim sa Mindanao. Higit itong malaki kaysa sa pamahaang barangay.
• Pinamumunuan ito ng sultan. Organisado ang sultanato. Ito ang tumakot sa mga Espanyol na agad sakupin ang mga Muslim sa Mindanao.
•Matatapang ang mga Muslim. Hindi sila basta nakikipagkasundo sa mga dayuhan.
•Malaki ang pagmamahal nila sa kanilang pamahalaan at teritoryo. Ang pagsakop sa kanilang teritoryo ay nangangahulugan ng malaking digmaan hanggang kamatayan.
•Malaki rin ang pagpapahalaga ng mga Muslim sa kalayaan
Apat na pananaw ng mga pilipinong muslim hingil sa pananakop ng mga espanyol:
•kultura, paniniwala, tradisyon, at kaugalian ng mga muslim
•malaki ang pagpapahalaga ng mga Muslim sa kanilang kalayaan
•mataas ang pagpapahalaga ng mga Muslim sa kanilang "pinuno" datu o Sultan gayundin sa kanilang pamahalaan,ang pamahalaang sultanato
•handa nilang ipaglaban ang kanilang teritoryo sa kahit anomang kahinatnan ng labanan
#CarryOnLearning
Salamat sa iyong pagsali sa aming komunidad. Magpatuloy sa pagtatanong at pagsagot sa mga katanungan. Sama-sama tayong magtatayo ng isang lugar na puno ng kaalaman at pagtutulungan. Salamat sa pagbisita sa IDNStudy.com. Nandito kami upang magbigay ng malinaw at tumpak na mga sagot.