Riyuidn
Answered

IDNStudy.com, kung saan ang iyong mga tanong ay natutugunan ng mga eksaktong sagot. Magtanong at makakuha ng detalyadong sagot mula sa aming komunidad ng mga eksperto na may kaalaman.

5 halimbawa ng magkatulad na paghahambing? :(

Sagot :

Limang (5) halimbawa ng magkatulad na paghahambing ay ang mga sumusunod:

  1. Magsingtema ang mga K-dramas na Legend of the Blue Sea at Goblin dahil magkaugnay sa past life ang plot ng parehong kwento.
  2. Kasimbilis ng kidlat ang pagsulong ng Singapore dahil sila ang sentro ng teknolohiya.
  3. "Magkasingganda ang ginuhit ng digital artist at pintor.
  4. Magkamukha lamang ang kultura ng India at Singapore.
  5. Magkasingganda ang India at Singapore.

Upang makakuha ng karagdagang impormasyon ukol sa paksa, maaaring sumangguni sa link na ito:  https://brainly.ph/question/642957

Ang PAGHAHAMBING o KOMPARATIBO ay ginagamit kung naghahambing ng dalawang antas o lebel  ng katangian ng tao, pangyayari, bagay, ideya, at iba pa. Ang paghahambing ay may dalawang uri:

  1. Pahambing na Magkatulad
  2. Di - Magkatulad

Upang makakuha ng karagdagang impormasyon ukol sa paksa, maaaring sumangguni sa link na ito: https://brainly.ph/question/89662

Uri ng Di - Magkatulad na Paghahambing

  • Hambingang Pasahol
  • Hambingang Palamang

Upang makakuha ng karagdagang impormasyon ukol sa paksa, maaaring sumangguni sa link na ito: https://brainly.ph/question/455673