Ang suliraning nangingibabaw sa akdang ito ay ang labis na pagmamahal ng amo sa kanyang alagang baboy. Ang kanyang puso't isipan ay nagtatalo kung ano ang dapat niyang gawin. Ang kanyang labis na pagmamahal sa kanyang alaga ang nagtulak sa kanya na magdadalawang isip. Ngunit, sa isang pangyayaring hindi niya inaasahan, napilitan siyang gawin ang noo'y hindi niya magawa. Sa kalauna'y natanggap niya ito at naisip na ang kanyang desisyon ay nagdala ng mabuti sa kanyang kapwa.
Tulad ng kwento sa akda, maihahalintulad natin ito sa mga nagaganap ngayon sa ating lipunan kung saan kailangan nating isakripisyo ang isang bagay para sa kabutihan ng nakararami.