Sumali sa IDNStudy.com at tuklasin ang komunidad ng pagbabahagi ng kaalaman. Makakuha ng mabilis at eksaktong sagot sa iyong mga tanong mula sa aming mga eksperto na laging handang tumulong.
Sagot :
Pagtatawag o Apostrophe
Ang pagtawag o apostrophe ay isa sa mga halimbawa ng tayutay na nagpapahayag ng damdamin sa bagay na walang buhay. Ang nagsasalita ay itinuturing na ang isang bagay ay nasa kanyang harapan ngunit wala naman.
Ang tayutay na ito ay ginagamit upang ipahayag ang matinding silakbo ng damdamin sa pamamagitan ng pagtawag; ginagawa ito sa isang sulatin upang mas mabigyan ng buhay o maipakita ang tunay na emosyon ng isang sitwasyon.
Mga halimbawa ng pagtatawag o apostrophe
- Oh kadiliman, nawa’y huwag mong sakupin ang buong sanlibutan sapagkat ako’y nababahala sa kinabukasan ng mga kabataan.
- Kagubatan...tao ay patawarin sa mga maling nagawa sa dating berdeng kulay mo.
- Kapuluan! Kapuluan, sadyang napakarami mo saan ko hahanapin pag-ibig nasaakin ay nakatadhana?
- Oh lindol! huwag mo kaming igupo; bagkus ito’y hudyat lamang ng isang paalala.
- Ulan nasaan ka? Ika’y kailangan ng madiligan man lang itong puso kong nakalimot na.
- Apoy ika’y huwag magpakita sa mga kabataang hanap ka upang mailigtas kanilang kinabukasan.
- Bibliya salamat saiyong gabay nawa’y magsilbi ka sa lahat ng nais magbago.
- Oh bagyo lubhang takot ang dala mo, tanging kalupitan lamang ang ipinararanas mo; nawa’y pag-ibig ko’y hindi katulad mo.
- Bato oh bato bakit ba sadyang kay tigas mo bawat pukol mo ay ipinagdurusa ko.
- Karagatan ako sa iyong lawak ay lubhang namamangha; kayamanang bigay mo’y kaydaming natutuwa.
- Salamat salamat munting bahay kubo sapagkat ako’y iyong pinatuloy.
- Puno ng niyog ika’y sadyang kaagapay ng mga magsasaka at mamamayan; laging pakatandaan ika’y iingatan.
Para sa karagdagang halimbawa ng pagtatawag o apostrophe magtungo lamang sa link na nasa ibaba.
https://brainly.ph/question/1655175
https://brainly.ph/question/250885
https://brainly.ph/question/209937
#LearnWithBrainly
Ang iyong presensya ay mahalaga sa amin. Patuloy na magbahagi ng iyong karanasan at kaalaman. Ang iyong ambag ay napakahalaga sa aming komunidad. Para sa mga de-kalidad na sagot, piliin ang IDNStudy.com. Salamat at bumalik ka ulit sa aming site.