Sumali sa IDNStudy.com at makuha ang mabilis at kaugnay na mga sagot. Hanapin ang mga solusyong kailangan mo nang mabilis at tiyak sa tulong ng aming mga bihasang miyembro.

diwa ng nasyonalismo

Sagot :



Hindi maitatatag ang isang malayang bansa kung walang nasyonalismong tumitimo at nagpapakilos sa mga mamamayan nito. Bago dumating ang mga mananakop na Kastila, isang malaya at masaganang kapuluan ang Pilipinas. Sa ilalim ng pananakop ng mga dayuhan, naitanikala ang kalayaan at kasaganaang tinatamasa ng ating mga ninuno. Ngunit hindi hinayaan ng mga Pilipinong tunay na nagmamalasakit sa kapwa at sa bayan na magpatuloy ang pagkatanikalang ito ng ating kalayaan. Pinagsakripisyuhan ng ating mga kababayang umiibig sa Inang Bayan na ibangon ang ating lahi mula sa pagkakalugmok at pagkaalipin. Ang diwa at lakas ng nasyonalismo ang nagtulak sa kanila para gawin ang kabayanihang ito. Nasyonalismo ang puwersang nagtatag ng bansa nating mga Pilipino at nasyonalismo ang patuloy na magbibigkis sa atin sa iisang pambansang layunin at hangarin. 
Ang iyong aktibong pakikilahok ay mahalaga sa amin. Magpatuloy sa pagtatanong at pagbahagi ng iyong nalalaman. Sama-sama tayong lumikha ng isang masiglang komunidad ng pagkatuto. Salamat sa pagbisita sa IDNStudy.com. Nandito kami upang magbigay ng malinaw at tumpak na mga sagot.