IDNStudy.com, kung saan ang iyong mga tanong ay may malinaw na sagot. Sumali sa aming interactive na platform ng tanong at sagot para sa mabilis at eksaktong tugon mula sa mga propesyonal sa iba't ibang larangan.
Answer:
ANG ALAMAT NG UBAS
Noong unang panahon, may nakatirang mag-ina sa kabundukan. Ito'y sina Uba at Aling Felicia. Araw-araw ay palagi silang magkasama kaya napakalapit nila sa isa't-isa. Paboritong kulay ni Uba ay lila kung kaya't karamihan sa gamit niya ay kulay lila. Isang araw, hindi inaasahan ni Aling Felicia na mawawala si Uba, kung kaya't hindi siya tumigil hanggang hindi niya ito mahanap kahit araw-araw siyang maghanap. Minsan ay mag nagbalita kay Aling Felicia na nakita na daw ang katawan ni Uba sa may paanan ng bundok. Biglang pumalayaw ng iyak si Aling Felicia buong magdamag sa sinapit ng anak. Sa sumunod na araw ay napagpasiyahan niyang bigyan ito nang maayos na libing. Lumuhod si Aling Felicia sa tapat ng puntod ni Uba at doom tumula ang kaniyang mga luha. Sa paglipas ng panahon ay unti-unting may lumitaw na bunga na tila mga butil ng luha at ito'y kulay lila na paborito ni Uba sa kaniyang puntod. Di nagtagal ay tinawag na Ubas ang bungang tumubo sa puntod ni Uba.