IDNStudy.com, ang iyong pangunahing mapagkukunan para sa mga sagot ng eksperto. Hanapin ang mga solusyong kailangan mo nang mabilis at madali sa tulong ng aming mga eksperto.

Patulong po
Nonsense=report
Good Answer=brainliest+like
TUKLASIN
Basahin at unawaing mabuti ang tula. Pagkatapos ay sagutin ang sumusunod na mga tanong. Isulat ang sagot sa isng malinis na papel.

KAPAYAPAAN
Jeremiah Gabitan Miralles

Kapayapaan ang hangad ng sinuman
Ngunit paano at kaylan makakamtan?
Ako ay isang pilipino
Hangad ko'y kapayapaan at pagbabago.

Dahil sa poot,galit,kasakiman
Diskriminasyon,panlalait,pang-aabuso sa karapatan
Hindi pagsunod sa alintuntunin ng kinauukulan
Ang mga dahilan ng kahulugan

Maging mahinahon at matutong rumespeto
Makinig sa onoinyon ng kapuwa mo
Igalang ang mga karapatang pantao
Huwag kalimutan at isapuso ito.

Makiisa,makilahok sa mga patakaran
Sundin ang protocol para sa kaligtasan
Isapuso ang ipinatutupad na mga batas
Nang makamit ang kapayapaang wagas.

MGA TANONG:
1.Ano ang hangad ng isang bata sa tula?
_________________________________

2.Ano an mga dahilan ng kaguluhan?
_________________________________

3.Ano ang mga paraan upang makamit ang kapayapaan?
_________________________________

4.Bilang isang mag-aaral makikilahok ka ba sa mga patakarang ipinatutupad?Bakit?
_________________________________

5.kung may mga taong ayaw sa mga programang ipinatutupad,hihikayatin mo ba silang sumali?Bakit?
_________________________________

Plss patulong po papasa na po to bkas
Sry wla pong pic sira po camera ko:)


Sagot :

Answer:

MGA TANONG:

1.Ano ang hangad ng isang bata sa tula?

→Kapayapaan at pagbabago.

2.Ano an mga dahilan ng kaguluhan?

→Poot,galit,kasakiman,diskriminasyon,panlalait,pang-aabuso sa karapatan, at hindi pagsunod sa alituntunin ng kinauukulan.

3.Ano ang mga paraan upang makamit ang kapayapaan?

→Magiging mahinahon at matutong rumespeto,makinig sa opinyon ng kapwa mo, huwag kalimutang igalang ang karapatang pantao at isapuso ito.

→Makiisa at makilahok sa mga patakaran,

Sundin ang protocol para sa kaligtasan, at

Isapuso ang ipinatutupad na mga batas.

4.Bilang isang mag-aaral makikilahok ka ba sa mga patakarang ipinatutupad?Bakit?

→Oo,para sigurado ang iyong kaligtasan at makakamit ang inaasam-asam na kapayapaan.

5.kung may mga taong ayaw sa mga programang ipinatutupad,hihikayatin mo ba silang sumali?Bakit?

→Oo,sapagkat nakasalalay dito ang kapayapaan at kaligtasan ng bawat isa.