Sumali sa komunidad ng IDNStudy.com at simulang makuha ang mga sagot. Magtanong ng anumang bagay at makatanggap ng kumpleto at eksaktong sagot mula sa aming komunidad ng mga propesyonal.
Sagot :
Answer:
Mga katangian o ugali ni Don Juan
1. Mapagmahal sa mga magulang.
2. Mapagmahal sa mga kapatid.
3. Nanatiling mabuting tao sa kabila ng paggawa ng masama ng iba sa kanya.
4. Mapagpatawad sa mga nagkakasala sa kanya.
5. Matapang at matatag sa kabila ng mga pagsubok na dumarating sa kanya.
6. Isang mabuting anak.
7. Maawain, hindi sya tumitingin sa pisikal na anyo ng isang tao.
8. Matulungin na tao lalo na sa mga nangangailangan.
Para sa karagdagang kaalaman tungkol sa katangian ni Don Juan, maaaring magpunta sa link na ito: Paano ipinakita ni don juan ang kabutihan ng kanyang puso: brainly.ph/question/1312013
Sino si Don Juan?
Siya ang pangunahing karakter sa kwento ng Ibong Adarna. Bunsong anak nina Don Fernando at Donya Veleriana na may mabuting kalooban. Kapatid siya nina Don Diego at Don Pedro. Umibig sya kina Prinsesa Leonora at Donya Maria. Siya ang nakakuha sa mahiwagang Ibong Adarna na gumamot sa kanyang ama. Ikinasal kay Donya Maria at sila ang namuno sa kaharian ng Delos Cristal.
Ano ang katangian?
Ang katangian ay ang pinapakitang pag-uugali ng isang tao. Nalalaman natin ang totoong katangian o ugali ng isang tao kapag sila ay ating nakasama. Ayon nga sa kasabihan “Malalaman mo ang totoong ugali ng isang tao kapag siya ay iyong nakasama na ”. May mga katangiang mabuti at meron din namang masamang katangian ang isang tao.
Mga halimbawa ng Mabuting Katangian
1. May takot sa Diyos.
2. Masipag
3. Palakaibigan
4. Mapagpakumbaba
5. Matiyaga
6. Malambing
7. Masunurin
8. Mapagbigay
9. Masigasig
10. Matiisin
Mga Halimbawa ng Masamang Katangian
1. Madamot
2. Makasarili
3. Palaaway
4. Mapanghusga
5. Matapobre
6. Mayabang
7. Sinungaling
8. Mainggitin
9. Tamad
10. Masungit
Ang katangian natin ay nalalaman ng ibang tao sa pinapakita nating pakikisama sa kanila, kung paano natin sila tratuhin. Kadalasan ang may masamang katangian ng tao ay napapaaway at nilalayuan ng ibang tao, samantalang kapag mabuti naman ang iyong mga katangian marami kang magiging kaibigan at maraming matutuwa sayo.
Explanation:
Pinahahalagahan namin ang bawat ambag mo. Huwag kalimutang bumalik at magtanong ng mga bagong bagay. Ang iyong kaalaman ay napakahalaga sa ating komunidad. Salamat sa pagpili sa IDNStudy.com. Umaasa kami na makita ka ulit para sa mas maraming solusyon.