Hinangad ng Spain ang yaman ng silangan sapagkat ang silangan ay sagana sa likas na yaman tulad ng ginto at pilak na siyang dadagdag sa mga yaman nila upang maging mas makapangyarihan. Ang Espanya ay nasa ilalim ng sistemang merkantilismo kaya naman, sila ay nananakop ng mga mahihinang bansa upang lalong maging maimpluwensiya't makapangyarihan.