IDNStudy.com, kung saan ang iyong mga tanong ay natutugunan ng mga eksperto. Sumali sa aming platform ng tanong at sagot upang makatanggap ng mabilis at eksaktong tugon mula sa mga propesyonal sa iba't ibang larangan.

sinu-sino ang mga tauhan sa kwento na '' si tuwaang at ang dalaga ng buhong na langit''?

 



Sagot :

Ang mga tauhan sa kwento na '' Si Tuwaang at ang Dalaga ng buhong na langit''

Mga Tauhan

  1. Tuwaang
  2. Bai
  3. Binata ng Pangavukad
  4. Dalaga ng Buhong na Langit
  5. Binata ng Pangumanon
  6. Gungutan
  7. Binata ng Panayangan
  8. Binata ng Sakadna
  9. Dalaga ng Monawon
  10. Binata ng Liwanon
  11. Binata ng Pagsikat ng araw

  • Tuwaang

ang binatang nakatira sa Kaharian ng Kuaman ang kasama ng kanyang kapatid sa pagnganga, at hindi rin siya nagpapigil sa kanyang kapatid na mag lakbay papunta sa kaharian ni Batooy.

  • Bai

Ang kapatid ni Tuwaang ang tinawag niya upang ikwento ang dalang minsahe g hangin na siya ay pinapupunta sa kaharian ni Batooy, ayaw Pumayag ni Bain a maglakbay ang kanyang kapatid sapagkat natatakot siya sa maaring kahinatnan nito.

  • Binata ng Pangavukad

ang sumama sa paglalakbay kay Tuwaang at sila ay nakarating nga sa kaharian ni Batooy  

  • Dalaga ng Buhong na Langit

ang tinabihan ni Tuwaang ang bumunot ng isang buhok ni Tuwaang na nakalawit, siya ay nagtatago mula sa binata ng Pangumanon dahil gusto siyang pakasalan ng binata pero tumanggi siya.

  • Binata ng Pangumanon

siya ang higante na mayroong palamuti sa ulo na abo tang mga ulap, siya ang nag alok ng kasal sa dalaga ng Buhong langit ngunit tinangihan siya nito. Naging kalaban niya si Tuwaang ang natalo siya nito.

  • Gungutan

ang nagkwento na nakita niya sa kanyang panaginip na darating si Tuwaang sa Kawkawangan.Siya ay inalok ni Tuwaang na sumama sa kanyang paglalakbay at pumayag naman siya.  

  • Binata ng Panayangan

ang dumating na nakaupo sa silyang gawa sag into.  

  • Binata ng Sakadna

ang nakiusap na linisin ang mga kalat sa kasal o iyong mga hindi imbitado at di kailangang bisita.

  • Binata ng Liwanon at Binata ng Pagsikat ng Araw

Sila ang ilan sa mga bisita na dumating sa araw ng kasal  

Na idaraos na dinaluhan din ni Tuwaang.  

  • Dalaga ng Monawon

siya ang dalagang ikakasal siya ay lumabas upang magbigay ng nganga sa lahat ng bisita.pagkatapos na mabigyan ng nganga lahat ng bisita ay tumabi siya kay Tumwaang na siya namang ikinagalit ng Binata ng Sakadna kaya sila ay naglaban.nang sila na lmang dalawa ang naglalaban ay natuklasan ni Tuwaang ang kahinaan ng Binata ng Sakadna ang gintong plawta ang nagtataglay ng buhay ng binata kaya naman sinira niya ang plawta at doon na natalo niya ang kalaban.

#BetterWithBrainly

Buksan ang link para sa karagdagang kaalaman

Buod ng si tuwaang at ang dalaga ng buhong na langit https://brainly.ph/question/157005