IDNStudy.com, ang iyong platform ng sanggunian para sa pangkomunidad na mga sagot. Sumali sa aming platform ng tanong at sagot upang makakuha ng eksaktong tugon sa lahat ng iyong mahahalagang tanong.

ano ang kahulugan ng tumarok?

Sagot :

Ang kahulugan ng tumarok ay:

  • Sumiyasat
  • Tumuklas
  • Kumintal
  • Maisip

Mga pangungusap gamit ang salitang tumarok:

  • Tumarok sa isip ng batang si Nena ang pag-alis ng kanyang ama.
  • Hindi tumarok sa isip ni Juan ang napag-aralan nila sa klase kaya ito ay hindi nakapasa sa pagsusulit.
  • Kahit pilitin kong kalimutan ang aking masasakit na karanasan ay hindi ko magawa. Sapagkat tumarok na ito sa puso at isip ko.
  • Ang bilin ng ama ni Nora ay mag-aral ng mabuti at tarukin bawat paksa ng ito’y hindi malimutan.
  • Hindi matarok ni Lea kung saan niya naiwan ang kanyang mga libro.  

Mga pangungusap gamit ang salitang sumisiyasat:

  • Sumisiyasat ng impormasyon si Rona para sa kanyang mga aralin.
  • Ang pag-aaral tungkol sa paglikha ng gamot ay kinakailangan ng pagsisiyasat para sa matagumpay na resulta.
  • Marami na ang sumiyasat sa pagputok ng bulkang Taal.

Mga pangungusap gamit ang salitang tumuklas:

  • Nilalayon ng proyekto na tumuklas ng mga pamamaraan upang mapabilis na matukoy ang sanhi ng mga sakit.
  • Nais tumuklas ni Ben ng makabagong kagamitan sa pagsasaka.
  • Ang pagtuklas sa sitwasyon na kinahaharap ng bansa ay makatutulong upang mapabilis ang pag-unlad.

Mga pangungusap gamit ang salitang kumintal:

  • Kumintal sa isip ni Lorna ang mga mabubuting bagay na ginawa ng kanyang ama upang sila ay makapagtapos ng pag-aaral.
  • Ang mga turo ng guro ni Jojo ay kumintal sa kanyang isipan dahilan kung bakit nakakuha siya ng mataas na marka.
  • Nakakintal pa rin sa isipan ng ina ni Jake ang magandang alaala ng kanyang pagsilang dito.  

Mga pangungusap gamit ang salitang maisip:

  • Hindi maisip ng matanda kung saan niya nailagay ang kanyang mga gamit.
  • Maisip sana ni Mario ang pagpupulong sa darating na Martes.
  • Malungkot na naisip ng ina ang kanyang anak na nasa malayo.

Para sa karagdagang impormasyon:

https://brainly.ph/question/286184

https://brainly.ph/question/514808

#LearnWithBrainly

Ang iyong kontribusyon ay napakahalaga sa amin. Patuloy na magbahagi ng impormasyon at kasagutan. Sama-sama tayong magtutulungan upang makamit ang mas mataas na antas ng karunungan. Sa IDNStudy.com, kami ay nangako na magbigay ng pinakamahusay na mga sagot. Salamat at sa muling pagkikita.