IDNStudy.com, ang iyong platform ng sanggunian para sa malinaw na mga sagot. Sumali sa aming interactive na platform ng tanong at sagot para sa mabilis at eksaktong tugon mula sa mga propesyonal sa iba't ibang larangan.
Sagot :
Ang dahilan ng pag-iral ko sa mundo ay para magamit ang aking buhay sa paglilingkod sa Diyos, pagmamahal sa aking pamilya at sa kapwa. Dahil Diyos ang lumalang sa lahat ng tao, nararapat lamang na gamitin natin ang ating buhay para sambahin siya at hindi para sa sarili nating kapakinabangan. Magkagayunman, nais ng Diyos na masiyahan tayo sa ating buhay.
Iba pang paliwanag
Iniisip ng maraming tao na kailangan nilang magpakayaman o di kaya'y maging sikat para masiyahan sa buhay. Tunay nga na sinasabi ng Salita ng Diyos na ang tao ay lumalakad sa sarili nitong plano. Mas gusto natin na nasusunod tayo kaysa sa kung ano talaga ang kalooban ng Diyos.
Si Haring Solomon na tanyag, matalino at mayaman ay nagsabi na ang mga bagay na tulad niyaon ay hindi makapagbibigay ng tunay na layunin sa buhay. Kaya sinabi nya na ang tunay na layunin ng ating buhay o ng ating pag-iral sa mundo ay ito:
- “Ang katapusan ng bagay, matapos marinig ang lahat, ay: Matakot ka sa tunay na Diyos at tuparin mo ang kaniyang mga utos. Sapagkat ito ang buong katungkulan ng tao.” - Eclesiastes 12:13
- Nais ng Diyos na masiyahan tayo sa ating buhay. Pinatunayan nya iyan ng ibigay nya sa atin ang lahat ng mabubuting bunga dito sa lupa. Nakakapagtanim tayo at ito rin ang ating kinakain, nakaka inom tayo ng tubig na nakaka represko sa nauuhaw nating katawan. Kaya naman lahat ng ating pagpapagal sa lupa ay nanggagaling sa ating Ama sa langit, si Jehova.
- Gusto din ng Diyos na masiyahan tayo sa pakikipag-ugnayan sa ating kapamilya. Kaya para magawa ito, dapat natin mahalin at alagaan ang bawat miyembro ng ating pamilya. Nagbibigay ang Diyos ng mga tagubilin para sa bawat miyembro ng pamilya. Halimbawa:
- Sinasabi ng Bibliya para sa mga asawang lalaki: “Dapat ibigin ng mga asawang lalaki ang kani-kanilang asawang babae na gaya ng sa kanilang sariling mga katawan.”—Efeso 5:28.
- Sinasabi ng Bibliya para sa mga asawang babae: “Ang asawang babae ay dapat na magkaroon ng matinding paggalang sa kaniyang asawang lalaki.”—Efeso 5:33.
- Para naman sa mga anak, sinasabi ng Bibliya: “Mga anak, maging masunurin kayo sa inyong mga magulang.”—Efeso 6:1.
Ang mga tagubilin na ito para sa atin ay makatutulong para mas mapahalagahan ang ating buhay sa ngayon at patuloy na magamit sa tama ang pag-iral natin sa mundong ito. Tiyak na mas magiging maligaya tayo, kontento at mas makabuluhan ang ating buhay kapag sinusunod natin ang Diyos.
Para sa iba pang kahulugan ng layunin sa buhay, puntahan ang link na brainly.ph/question/2127488.
Dahilan ng pag-iral natin sa mundo. brainly.ph/question/313071
Pagpapahalaga sa buhay. brainly.ph/question/2127630
Salamat sa iyong aktibong pakikilahok. Patuloy na magbahagi ng impormasyon at kasagutan. Sama-sama tayong lumikha ng isang masiglang komunidad ng pagkatuto. Gawin mong pangunahing mapagkukunan ang IDNStudy.com para sa maasahang mga sagot. Nandito kami para sa iyo.