IDNStudy.com, ang perpektong platform para sa malinaw at eksaktong mga sagot. Makakuha ng hakbang-hakbang na mga gabay para sa lahat ng iyong teknikal na tanong mula sa mga miyembro ng aming komunidad na may kaalaman.

ano ang literal,simboliko,ispiritwal na kahulugan ng ubasan, manggagawa,usapang salaping pilak at oras

Sagot :

  Ang talinhaga sa bibliya hango sa libro ng Mateo 20:1-16 ay tungkol sa mga manggagawang inupahan ng may-ari nito upang magtrabaho sa kanyang ubasan. Ito ay hango sa kwento ni Jesus sa kanyang mga alagad. Ang ubasan ay talinhagang patungkol sa kaharian ng diyos at ang mga manggagawa ay patungkol sa mga taong nananalig at nagbibigay ng pananampalataya sa Diyos at ang salapi at oras na binayad at ginamit ay patungkol sa biyaya ng Diyos.

Literal

Ubasan - Taniman ng ubas

Manggagawa - Trabahador

Salaping pilak - sahod

Simboliko

Ubasan - Mapayapang lugar

Manggagawa - Pagtyatyaga at pananalig

Salaping pilak - Gantimpala

Ispiritwal

Ubasan - Kaharian ng langit

Manggagawa - Taong naniniwala sa Diyos

Salaping pilak - Biyaya galing sa diyos

Karagdagang kaalaman

 

   Ayon sa kuwento ni Jesus, ang may-ari ng ubasan ay maagang lumabas ng bahay at naghanap ng manggagawa para sa kanyang ubasan. Ang may-ari ng ubasan ay nakakita ng mga manggagawa at siya'y nakipagkasundo sa karampatang sahod para sa isang araw na trabaho. Lumabas muli siya nang mga alas-nuwebe ng umaga at nakakita siya ng mga taong walang trabaho at nakatambay lang. Inalok niya ang mga ito ng trabaho sa ubasan at muling nakipagkasundo sa kabayaran. Lumabas ulit siya noong  alas-tres ng hapon gayon din nang alas-singko ng hapon.

  Nang magtatakip-silim, pinatawag ng may-ari ng ubasan sa kanyang katiwala ang lahat ng mga manggagawa mula sa unang nagtrabaho ng umaga hanggang sa nagtrabaho ng gabi. Dumating ang mga nagtrabaho ng alas-singko ng hapon at sila ay tumanggap ng sahod. Nang dumating ang mga nagtrabaho ng umaga, sila ay naktanggap ng parehas na sahod galing sa may-ari ng ubasan. Ang mga ito ay nagreklamo sa may-ari ng ubasan sa pagkakaalam na mas malaki ang kanilang makukuhang kabayaran.

  Sinagot ng may-ari ang isa sa kanila, ‘Kaibigan, hindi kita dinadaya. Hindi baʼt nagkasundo tayo na bibigyan kita ng sahod para sa isang araw na trabaho? Kaya tanggapin mo na ang sahod mo, at umuwi ka na. Desisyon ko na bigyan ng parehong sahod ang mga huling nagtrabaho. Hindi baʼt may karapatan akong gawin ang gusto ko sa pera ko? O naiinggit lang kayo dahil mabuti ako sa kanila?’

Tanong na may kaugnayan

  1. Simbolikong na kahulugan ng ubasan: https://brainly.ph/question/2480947