Maligayang pagdating sa IDNStudy.com, ang iyong platform para sa lahat ng iyong katanungan! Magtanong at makatanggap ng eksaktong sagot mula sa aming mga bihasang miyembro ng komunidad.
Ano ang Dalawang Dimensyon ng pagbibigay kahulugan ng salita at mga halimbawa nito?
1) Denotasyon - literal na kahulugan ng salita. Ang kahulugan ay karaniwang nakikita sa diksyonaryo.
2) Konotasyon - ang malalim na kahulugan ng salita. Ito ang pansariling kahulugan sa salita ng isang tao o grupo ng mga tao na naaayon din sa panahon o henerasyon. Iba ang pagkakahulugan ng konotasyon sa karniwang kahulugan ng salita na nakikita sa diksyonaryo.
Halimbawa:
1) buwaya Denotasyon - hayop Konotasyon - politiko sa kongreso/congressman
2) kutsarang pilak Denotasyon - kutsarang yari sa pilak (silver) Konotasyon - mayaman
3) balat-sibuyas Denotasyon: balat ng sibuyas Konotasyon - sensitibo; madaling magtampo o masaktan ang damdamin
Salamat sa iyong kontribusyon. Huwag kalimutang bumalik upang magtanong at matuto ng mga bagong bagay. Ang iyong kaalaman ay napakahalaga sa ating komunidad. May mga katanungan ka? Ang IDNStudy.com ang may sagot. Salamat sa iyong pagbisita at sa muling pagkikita.