Makahanap ng mabilis na mga solusyon sa iyong mga problema sa IDNStudy.com. Magtanong at makakuha ng detalyadong sagot mula sa aming komunidad ng mga eksperto.

Magbigay ng limang halimbawa ng pangungusap gamit ang posibilidad 14.08.2014

Sagot :

Nczidn
Mga Ekspresyong Naghahayag ng Posibilidad 

Ito ang tawag sa mga salita, parirala o pahayag na may posibilidad o maaaring magkatotoo subalit hindi tiyak, masiguro o may mga agam-agam pa ang taong nagsasalaysay.


1. Maaari
"At dahil mas mulat na ako ngayon sa mga karapatang pantao, maaaring sumama ako sa Pride March sa susunod na taon."


2. Siguro
"Siguro naunawaan na ng mga tao ang mga nagpo-protesta dahil hindi sila nabwisit sa mabagal na daloy ng trapiko."


3. Marahil
"Marahil matalino't maraming alam sa batas ang batang iyon kaya kasama siya sa pag-aaklas."


4. Sa palagay
"Sa palagay ko ay masyado lamang priviledged ang taong hindi nakakaunawa sa mga nagpo-protesta dahil hindi sila naiipit ng mga hindi makatuwirang hatol ng gobyerno."


5. May posibilidad
"May posibilidad na gamitin ko ang aking sasakyan para mag-carpool papuntang Marikina para sa mga sasama sa Pride March."