Idnaidn
Answered

Makakuha ng kaugnay na sagot sa lahat ng iyong katanungan sa IDNStudy.com. Sumali sa aming komunidad ng mga bihasa upang makahanap ng mga sagot na kailangan mo sa anumang paksa o problema.

Pakinggan at unawain ang teksto "May Pera sa Talaba". Gamitin ang graphic organizer sa pag sasalaysay gamit ang sariling salita.


May Pera sa Balat ng Talaba

"Dahil sa lumalaganap na red tide, pinagpayuhan ang mga mamamayan na iwasan ang pagkain ng mga pagkaing may shell o kabibe tulad ng tahong at talaba upang hindi malason," ang balita sa radio.

"Kundangan kasi, may mga ng tahong at talaba pa. Sana wala na ang mga iyan para wala na ring malalason pa." ang reaksyon ni Crisanto pagkarinig sa balita sa radio,

"Anak, sa mga pagkaing iyan makakukuha tayo ng bitamina at sustansiyang kailangan upang hindi tayo magkaroon ng sakit na goiter," ang sagot ni Aling Sencia na kanyang ina. "At kaya naman nagkakaroon ng red tide ay dahil na rin sa pagkakalason o pagdumi

ng tubig na tayong mga tao na rin ang may kagagawan." "Bukod pa po roon, mayroon pa po bang ibang pakinabang na nakukuha sa talaba?" ang tanong ng anak sa ina.

"Noong araw,anak, noong wala pang polusyon sa tubig, sa Navotas at Malabo ay sagana sa pag-aani ng talaba. Dahil sa linamnam ng lasa, kinagigiliwan ito ng balana. Kahit saang lugar, nagkalat ang taniman ng talaba.Kaya maginhawa ang pamumuhay ng mga tao. Malakas pagkakitaan ng mga tao ang talaba Maging ang mga bata ay kumikita rin.Kung panahon ng tag-init na walang pasok,naghihimay kami ng talaba. Sa pamamagitan ng kutsilyo, inaalis namin ang laman sa balat nito. Binabayaran kami sa nahihimay naming talaba.Kapag malakas kang maghimay, marami kang perang kikitain. Subalit kailangan din ang lubos na pag-iingat upang hindi masugatan ng kutsilyo o ng balat ng talaba ang iyong mga kamay. Dahil sa paghihimay ng talaba, nakakaipon kami ng pera tuwing bakasyon.. Kaya sa halip na kami'y mainip, nagiging lubhang kapaki pakinabang ang aming bakasyon. Dahil sa balat ng talaba, kumikita kami at nakaiipon ng pera para panggastos sa darating na pasukan.

Inay, kapaki-pakinabang din po pala ang balat ng talaba noong araw." ang nakangiting wika ni Crisanto.

"Oo, anak. Noong araw na hindi pa nalalason ang ating tubigan," ang malungkot na sagot ni Aling Sencia sa kanyang anak.


1. Tauhan:

2. Tagpuan:

3. Buod:

4. Aral:​


Sagot :

Answer:

1.TAUHAN: Aling sencia at Crisanto

2. TAUHAN: Bahay

3. Buod: Dahil sa redtide, ibinalita sa radyo na ipinagbabawal na kumain ng mga pagkain na may shell gaya ng tahong talaba. Pero sinabi ng Ina na noong araw, may pakinabang ang talaba, dito sila nakakakita ng pera sa pamamagitan ng paghihimay ng talaba. At sabi pa nga ng Ina na Kapaki - pakinabang ang bakasyon niya dahil sa talaba.

4. Aral: Ang napulot kung aral, na wag tayo magtapon ng mga basura sa dagat para hindi magkaroon ng redtide. Dahil kung nagkakaroon ng redtide ay naapektuhan ang mga isda sa dagat. At kailangan din natin na magsikap sa buhay.

salamat!