IDNStudy.com, ang iyong mapagkukunan para sa malinaw at mabilis na mga sagot. Tuklasin ang mga kumpletong sagot sa iyong mga tanong mula sa aming komunidad ng mga eksperto.
Sagot :
Answer:
Ang Social Media ay talagang nakakatulong sa ating pagaaral sapagkat dito na nakalahad ang lahat ng maaaring impormasyon na pwede nating alamin. Kung dati ay sa silid-aklatan pa ang ganapan para makahanap ng mga impormasyon tungkol sa iba’t-ibang bagay. Ang Social Media ay matagal nang pang-lipas oras ng mga kabataan ngayon. At syempre hindi lamang ang kabataan an gumagamit nito. Pati ang mga matatanda ay hindi mawawalan ng tuksong gamitin ang Social Media. Ang Social Media ay isa sa maraming paraan kung pano ang tao ay makikipag-usap sa isa’t-isa. Ang Internet naman ay isang lugar kung saan halos lahat ng impormasyon at bagay ay nakalahad. At dahil ang Social Media ay hindi mapaparating dito kung wala ang Internet, masasabing malaking tulong ang Social Media sa pag-aaral natin ngayon. Ang Internet ay isa sa maraming kaantasan ng Mass Media kung saan nakalagay na ang mga datos simula ng ikaunang panahon. Sa Social Media, maaaring makipag-paliwanag ng mga datos tungkol sa mga takdang aralin ng mga guro at pwede rin magpaliwanag tungkol sa mga gawaing pang-paaralan. Pero dahil maraming pwedeng magawa sa Social Media, maaaring ito ay isang dahilan kung bakit ang isang estudyante ay hindi nakakaaral o nakakatapos ng takdang aralin ng mainam. Ngayon naman sapagkat ang Social Media ay hindi na maiiwasan, ang ibang mga paaralan ay nakaisip na ito ay isang paraan para makagawa at makapasa ng mga takdang aralin. Katulad ng Edmodo, mayroon nang mga Social Media na nakatutok sa pag-aaral ng mga estudyante at nakatutok din sa pagp-plano ng mga guro. Sa paglipas ng panahon, padami ng padami ang gumagamit ng Social Media at dadami rin ang makakaisip kung paano ang mga estudyante makakapaghanap ng paraan para magsipag na. Kahit sa pagpapanaliksik, madami ang nagsasabi na masama ang epekto ng Social Media sa mga nagaaral dahil dito na talaga napapatutok ang mga atensyon ng mga kabataan. Hindi lang mga tao na kakilala natin ang mga nakakausap natin sa Social Media. At dahil doon, napapatibay din natin ang mga kakayahan ng mga estudyanteng ibig maging ComArts na estudyante o kaya estudyante na kukuha ng kursong Communications. May oras din na hindi mo masyadong naintindi ang pinagusapan ng guro niyo sa klase noong isang araw, pwede nalang hanapin ang paksang pinagusapan sa Internet. Marami ng mga pwedeng basahin na sanaysay na mapapaliwanag ang paksa. Makakahanap na din tayo ng maraming sanaysay na nagbibigay tulong o adbisyo tungkol sa pag-aaral, tulad ng mga sanaysay tungkol sa kung paano makagawa ng mahusay na sanaysay o kaya kung paano makaaral ng maayos bago kumuha ng pagsasanay. Maraming paraan talaga ang mabibigay ng Social Media sa pagaaral at iba’t-ibang bagay sapagkat hindi mararaos ng husay ang ilang estudyante kung walang Social Media.
Answer:
It helps children like us to maintain social connections and helps us to communicate better.
FILIPINO VERSION:
Nakakatulong ito sa mga batang tulad natin na mapanatili ang mga panlipunang koneksyon at tinutulungan tayong makipag-usap nang mas mahusay.
i hope it helps ^^
Natutuwa kami na ikaw ay bahagi ng aming komunidad. Huwag kalimutang bumalik upang magtanong at magbahagi ng iyong karanasan. Ang iyong kaalaman ay mahalaga sa ating komunidad. Para sa mabilis at eksaktong mga solusyon, isipin ang IDNStudy.com. Salamat sa iyong pagbisita at sa muling pagkikita.