IDNStudy.com, ang iyong gabay para sa maaasahan at mabilis na mga sagot. Makakuha ng mga sagot sa iyong mga tanong mula sa aming mga eksperto, handang magbigay ng mabilis at tiyak na solusyon.
1. Ito ay ugnayan ng tao sa Diyos . Isa itong malayang desisyon na malaman at tanggapin ang katotohanan sa pagkatao. *
A. Pag-ibig
B. Panalangin
C. Espirituwalidad
D. Pananampalataya
2. Ano ang nagpapakatao sa tao na siyang kinaroroonan ng persona? *
A Isip
B Kilos-loob
C pagmamahal
D espiritu
3. Alin sa mga sumusunod ang nagsasabi ng tunay diwa ng espirituwalidad? *
A Palagiang pag-aaral at pagbabasa ng salita ng Diyos
B Ang pagiging maawain at matulungin sa pangangailangan ng kapwa
C Ang pagkakaroon ng mabuting ugnayan sa kapuwa at pagtugon sa tawag ng Diyos
D Ang pananatili ng ugnayan sa Diyos sa pamamagitan ng panalangin sa araw-araw
4. Ang______ay nagkakaroon ng diwa kung ang espiritu ng tao ay sumasalamin sa kaibuturan ng kaniyang buhay kasama-ang kaniyang kilos, damdamin at kaisipan. *
A Espirituwalidad
B Pananampalataya
C Pagmamahal
D Paglilingkod
5. Ang buhay ay maituturing na isang paglalakbay. Alin sa mga sumusunod ang kailangan ng tao sa paglalakbay upang maging magaan ang kaniyang paglalakbay? *
A kasama ang kapuwa
B kasama ang Diyos
C Kasama ang Kapuwa at ang Diyos
D wala sa mga nabanggit
6. Ang sumusunod ay naglalarawan ng buhay na pananampalataya maliban sa:
A Kumikilala at nagmamahal sa Diyos.
B Nagmamahal at tumutulong sa kapwa.
C Naglilignkod at palagiang
D nananalangin sa Diyos.
Nagmamahal sa Diyos at nagmamahal sa kapuwa.
7. "Ang nagsasabi na iniibig ko ang Diyos, subalit napopoot naman sa kaniyang kapatid ay sinungalin." Ang pahayag ay________. *
A Tama, dahil dapat mahalin ang kapuwa.
B Tama, dahil maipapakita lamang ang tunay na pagmamahal sa Diyos kung minamahal din ang kapuwa
C. Mali, dahil ang pagmamahal sa Diyos ay maipapakita sa mabuting Ugnayan sa kaniya.
D. Mali, dahil maipapakita ang pagmamahal sa Diyos sa pamamagitan ng pagdarasal at pagsisimba.
8. Sa paanong paraan ipinakita ni Mother Teresa ng Calcutta ang pagmamahal? *
A Sa pamamagitan ng pagmamahal na ang hinahanap ay makita ang Diyos sa piling ng kapuwang pinaglilingkuran
B Sa pamamagitan ng pag-aalaga sa maysakit
C Sa pamamagitan ng pagdarasal sa kagalingan ng may suliranin sa buhay
D sa pamamagitan ng pagpapakita ng pagtulong sa kapuwa upang gayahin siya g iba.
9. Ito ang pinakamataas na uri ng pagmamahal at walang hinihintay na kapalit. Kagaya ng pagmamahal ng Diyos sa tao. *
A Philia
B Affection
C Agape
D Eros
10. Araw-araw ay nagsisimba si Aling Cora at hindi nakalilimot na magdasal. Siya rin ay nagbabasa ng Bibliya bago matulog sa gabi. Kahit ganito, malupit siya sa kaniyang kasambahay. Pinarurusahan niya sila kapag nagkakamali. Naisasabuhay ba ni Aling Cora ang kaniyang pananampalataya?
A . Hindi, dahil siya ay malupit sa kasambahay
B. Hindi, dahil nababalewala ang kaniyang ugnayan sa Diyos kung hindi maganda ang ugnayan niya sa kapuwa.
C Oo, dahil ginagawa niya ang tingkulin sa Diyos
D Oo, dahil ang kaniyang pagsisimba, pagdarasal at pagbabasa ng Bibliya ay ikinalulugod ng Diyos.
Salamat sa iyong presensya. Patuloy na magtanong at magbahagi ng iyong mga ideya. Ang iyong kaalaman ay mahalaga sa ating komunidad. Ang IDNStudy.com ang iyong mapagkakatiwalaang mapagkukunan ng mga sagot. Salamat at bumalik ka ulit.