Makakuha ng mga sagot mula sa komunidad at mga eksperto sa IDNStudy.com. Tuklasin ang malalim na sagot sa iyong mga tanong mula sa aming komunidad ng mga bihasang propesyonal.


[tex] \underline{KATANONGAN :}[/tex]
Ano ang mga programa at patakarang ipinatupad ni Pangulong Manuel Roxas?
[tex] \underline{BABALA :}[/tex]
Bawal mangopya ng ibang sagot na walang pahintulot sa may ari, bawal ring mangopya ng sagot sa mga website.


Sagot :

Answer:

ANG MGA PROGRAMANG IPINATUPAD NI MANUEL A. ROXAS

  • Pagpa-paunlad ng kabuhayan
  • Pag-lutas sa suliranin sa mga Huk
  • Paglinaw sa patakarang panlabas ng bansa kaugnay ng usaping parity rights

BAKIT IPINATUPAD NI MANUEL A. ROXAS ANG MGA PROGRAMANG ITO?

Ipinatupad ni Manuel A. Roxas ang mga programang ito upang masolusyunan ang mga problema ayon sa ekonomiya ng ating bansa, isinagawa niya din ang pagsa-saayos ng elektripikasyon, pagsasanay ng mga gawaing bokasyunal, pagtatatag ng mga kaluwagan sa pagpapautang para sa pambili ng binhi, pataba, pamatay-kulisap at mga makinang pansakahan, at panghihikayat sa mga kapitalistang Amerikanong mamuhunan sa bansa. Binigyan rin ito ng pansin ni Manuel Roxas ang pagpapalaki ng produksyon na magpa-paunlad ng industriya at pagsasaka. Marami siyang korporasyon o samahang itinatag upang mangalaga sa kapakanan ng ating mga magsasaka.

——————→→———←←——————

Upang masolusyonan ang problema hinggil sa ekonomiya ng bansa ay isinagawa ni Pangulong Manuel Roxas ang sumusunod:

  • Pagsasaayos ng elektripikasyon
  • Pagsasanay sa mga gawaing bokasyonal
  • Paghimok mga kapitalistang Amerikano mamumuhunan sa Pilipinas
  • Pagsiyasat sa mga likas na yaman ng bansa na humantong sa pagmumungkahi na kailangang magtatag ng mga industriyang mangangalaga at lilinang sa mga likas na yaman ng Pilipinas

Binigyang-pansin din ni Pang, Roxas ang pagpapaunlad sa industriya sa pagsasaka. Nagtatag siya ng mga korporasyon o samahan na mangalaga rito.

  • NARIC National Rice and Corn Corporation
  • National Rice and Corn Corporation NACOCO National Coconut Corporation
  • National Coconut CorporationNAFCO National Abaca and Other Fibers Corporation
  • National Abaca and Other Fibers Corporation NTC National Tobacco Corporation
  • National Tobacco CorporationRFC Rehabilitation Finance Corporation ( tinawag itong Development Bank of the Philippines ngayon )

——————→→———←←——————