Makakuha ng mga sagot ng eksperto sa iyong mga tanong sa IDNStudy.com. Magtanong ng anumang bagay at makatanggap ng mga maalam na sagot mula sa aming komunidad ng mga propesyonal.
Sagot :
Answer:
Ang Kabihasnang Romano ay isang kabihasnan na matatagpuan sa pusod ng Italya. Ito ay mayroong iba’t ibang mahahalagang kontribusyon sa iba’t ibang larangan.
Sa usaping panitikan ang mahalagang ambag nito ay ang mga saling akda tulad ng tula at dula. Pinakatanyag na salin ng kabihasnang ito ang Odyssey.
Sa larangan ng inhenteriya, ang Appian way o ang nag-ugnay sa Timog Italy at Rome maging ang Aqueduct o ng daluyan ng tubig ang mga naging ambag ng kabihasnan.
Sa batas naman ang mahalagang ambag nito ay ang twelve tables na kung saan naglalaman ito ng mga karapatan ng mga tao o mamamayan at pamamaraan ng pamamalakad.
Sa usaping pananamit naman ipinakilala nila ang kasuotang tunic o pambahay na damit para sa kalalakihan na may habang hanggang tuhod, toga o ang pang-ibabaw na damit sa tunic, stola 0 pambahay na damit ng mga babae na abot hanggang talampakan, at palla na pang-ibabaw sa stola.
Samantala, sa arkitektura, ang basilica, forum, at colosseum ang mga naging mahahalagang ambag ng kabihasnang Romano na kung saan naging makasaysayan ito para sa kanila.
Natutuwa kami na ikaw ay bahagi ng aming komunidad. Huwag kalimutang bumalik upang magtanong at magbahagi ng iyong karanasan. Sama-sama tayong magpapaunlad ng kaalaman para sa lahat. Bawat tanong ay may sagot sa IDNStudy.com. Salamat sa pagpili sa amin at sa muling pagkikita.