IDNStudy.com, ang iyong pangunahing mapagkukunan para sa mga sagot ng eksperto. Ang aming komunidad ay handang magbigay ng malalim at praktikal na mga solusyon sa lahat ng iyong mga katanungan.

Pir-tnubayang Pagsasanay 2 Panuto: Tukuyin kung ang panandang ginamit sa pangungusap sa bawat bilang ay Anaporik o Kataporik. Isulat ang sagot sa sagutang papel. 1. Nangungulila man sa kanilang mga pamilya ay patuloy pa rin ang pagpapakasakit ng mga Overseas Filipino Workers sa ibang bansa. 2. Nagkamit ng karangalan si Sally dahil matataas ang kaniyang mga grado sa lahat ng asignatura. 3. Ang Araw ng Kalayaan ay dapat na pahalagahan sapagkat patuloy itong nagpapaalala sa ginawang pagpapakasakit ng mga bayani upang makamit ang ating kalayaan. 4. Walang katulad ang ganda ng lugar na ito kaya patuloy na dinarayo ng mga turista ang Palawan. 5. Tanyag ang lalawigan ng Zambales dahil sa mga produktong mabibili rito tulad ng matatamis na mangga. 6. Ang mga kabataan ang pag-asa ng bayan kaya nararapat lamang na maging mabuting impluwensiya ang mga nakatatanda para sa kanila. 7. Patuloy siyang nagsusumikap sapagkat nais ni Joy na mabigyan ng maginhawang buhay ang pamilya. 8. Hinahangaan tayo sa buong mundo sapagkat kilala ang mga Pilipino sa pagiging masipag at pagkakaroon ng kakaibang talento. 9. Ang ating mga magulang ang nag-aruga sa atin kaya dapat ay alagaan natin sila sa kanilang pagtanda. 10. Dapat nating ingatan ang kalikasan sapagkat ang ating ikinabubuhay ay nagmumula rito.

maka answer ng tama brebrainliest ko ​