IDNStudy.com, ang iyong platform ng sanggunian para sa malinaw na mga sagot. Makakuha ng mabilis at eksaktong sagot sa iyong mga tanong mula sa aming mga eksperto na laging handang tumulong.

Anu ang outsourcing?

Sagot :

Ang outsourcing ay isang istratehiya na kung saan ang isang kumpanya ay kumukuha ng serbisyo mula sa isa o higit pang kumpanya (o ahensya) na may kaukulang bayad. Ang pangunahing layunin nito ay upang mapadali at mapagaan ang gawain ng isang kumpanya upang masmatuunan pansin ang ibang mga gawain na sa kanilang paniwala ay mas higit na mahalaga at mas magigiging kapakipakinabang. Para sa karagdagang kaalaman, basahin ang sumusunod: https://brainly.ph/question/900079

Ang iba’t ibang uri ng outsourcing ay nababatay sa layo o sa distansya ng kumpanya:

Offshoring:

Ito ay isang uri ng outsourcing na kung saan ang serbisyo ng isang kumpanya ay kinuha dahil sa mababang singil na bayad. Halintulad nito ay ang nangyayari sa Pilipinas. Sa pagnanais ng mga outsourcing companies na nagmumula sa USA (Amerika), at mga bansa sa Europa na makatipid sa mga gastusing kumpanya, mas ninanais nilang kumuha ng serbisyo sa mga kumpanyang nagmumula sa Asya tulad ng Pilipinas at India. Ang mga bansang ito ay may masmurang halaga ng serbisyo kumpara sa serbisyong nagmumula sa kanilang bansa. Halimbawa ay ang mag BPO (Business Process Outsourcing), ITO (Information Technology Ourtsourcing), KPO (Knowledge Process Outsourcing) at VA (Virtual Assistants).

Near Shoring:  

Ito naman ay tumutukoy sa pagkuha ng serbisyo na nagmumula sa kalapit bansa. Ang pangunahing layunin nito ay masmadaling transakyon sa pamamagitan ng pag-iwas sa suliraning kaakibat ng offshoring. Naiiwasan nito ang mga barrier hatid ng pagkakaiba ng wika at kultura na hatid ng offshoring.

Onshoring:

Ito ay tinatawag ding domestic outsourcing. Ito ay ang pagkuha ng serbisyo mula sa kumpanya na mula din sa loob ng bansa ngunit may masmababang gastusin sa operasyon.

Karagdagang babsahin: Uri ng outsourcing https://brainly.ph/question/880550

https://brainly.ph/question/943092

Ang Ebolusyon ng Offshoring

  • Ito ay nag umpisa sa mga “blue collar jobs” noong unang bahagio ng dekada 70.
  • Pagtungtong ng dekada 80, ang mga “white collared jobs” ay nagumpisa nang maranasan
  • Ang pag usbong ng internet ang nagpabilis sa pag unlad ng offshoring sa sector ng R&D (research and development) at manufacturing.

Epekto sa Ekonomiya ng Outsourcing

  1. Ang mauunlad na bansa ay lalo pang umuunlad sa murang halaga sa pamamagitan ng pag outsource ng skilled labor.
  2. Ang mga pa-unlad na bansa ay nagkakaroon ng mga oprtunidad sa mas maraming trabaho para sa mamamayan at ekonomiya.
  3. Nakakatulong ang kaunlarang ekonomiya sa paglago ng relasyong pulitikal ng iba’t ibang bansa.

Dahilan ng Pagkabigo Outsourcing

  1. Bargain Shopping: Maraming kumpanya ang naghahangad ng mataas na kalidad na serbisyo ngunit sa hindi makatarungang baba ng halaga. Kailangang malaman na ang kumpanyang kukunan ng serbisyo ay ibase sa kalidad ng kagamitan, proseso at tauhan.  
  2. Kakulangan sa komunikasyon: Ang komunikasyon sa internal at external na bahagi ng proyekto ay napakahalaga sa outsourcing. Ang lahat ng kasunduan sa bawat aspeto ay mahalaga sa mabilis at maagap na pamamalakad.
  3. Kultura: Ang pagkakaiba ng kultura ay isang sanhi ng hindi pagkakaintindihan sa bawat partido, Ito ay maiiwasan sa tamang komunikasyon upang malaman ang inaasahang at di inaaasahang problema.
  4. Some countries on the global front do not have political & economical stability. There are high security threats that can overthrow any governing laws in a matter of just a few days. If your service provider does not have proper security measures then a company faces high risk of project failure.
  5. Maling planning at pamamalakad: Ang maling panukat ng inaasahang resulta, hindi malinaw na proseso, hindi pagpaplano ng mahusay ay mga kaugalian ng maling pamamalakad. Ito rin ang sanhi ng hindi pagkaunwa..