Tuklasin ang mundo ng kaalaman at mga sagot mula sa komunidad sa IDNStudy.com. Hanapin ang mga solusyong kailangan mo nang mabilis at tiyak sa tulong ng aming mga bihasang miyembro.
Sagot :
MANILA- Kilala ang Pilipinas bilang isa sa mga bansang may pinakamahabang pagdiriwang ng Pasko.
Pagpasok pa lang ng Setyembre, abala na ang karamihan sa mga Pilipino sa pamimili ng mga pang-regalo sa kanilang mga kaanak at kaibigan, at sa pagdalo sa kabi-kabilang handaan.
Ayon kay Jimmuel Naval, propesor ng Philippine Studies at pop culture expert mula sa Unibersidad ng Pilipinas-Diliman, naging tradisyon na ang mahabang paghahanda at pagdiriwang ng Pasko dahil sa mga benepisyong nakukuha ng mga Pilipino dito.
"Tradisyon na yan kasi ang dami nating nakukuha sa Pasko. Madami tayong gustong mangyari pag Pasko kaya inaabangan natin ito," ani Naval sa isang pahayag sa DZMM nitong Biyernes.Paliwanag ni Naval, sinasamantala ng karamihan ng Pilipino ang paghahanda sa Pasko para magbigay ng mga promo upang palakasin ang kanilang mga negosyo.
Nakakatulong rin diumano ito sa mga mahihirap na nagnanais makamura ng bilihin.
"Ang mga tao mababait pag Pasko...hindi yan ginagawa pag Enero, pag Abril o Marso," aniya.
"May magbibigay so natutuwa yung mga walang trabaho at kapos sa buhay kaya inaabangan," dagdag pa ni Naval.
Bukod sa kabi-kabilang pamilihan, nakagawian na rin ng mga Pilipinong nasa ibang bansa na umuwi upang makasama ang kanilang mga pamilya tuwing Pasko.
Ang iyong kontribusyon ay napakahalaga sa amin. Huwag kalimutang bumalik upang magtanong at matuto ng mga bagong bagay. Sama-sama tayong magpapaunlad ng kaalaman para sa lahat. IDNStudy.com ang iyong mapagkakatiwalaang kasama para sa lahat ng iyong mga katanungan. Bisitahin kami palagi.