Tuklasin kung paano ka matutulungan ng IDNStudy.com na makuha ang mga sagot na kailangan mo. Magtanong at makakuha ng detalyadong sagot mula sa aming komunidad ng mga eksperto.
Sagot :
Answer:
Mayroong iba't ibang tungkulin ang isang babae at lalaki. Mayroong tungkulin sa tahanan, kapaligiran, bayan, pamilya, lipunan, eskwelahan o paaralan at marami pang iba. Unahin nating talakayin ang tungkulin ng isang babae.
TUNGKULIN NG MGA BABAE
Ang mga babae ay inaasahan na maging mapag-intindi o mapag-unawa, mapang-alaga at maalahanin. Isa-isahin natin ang mga ilan sa mga halimbawa ng mga tungkulin ng isang babae.
Kung ikaw ay may asawa't mga anak na, inaasahan na ikaw ay magiging maunawain dahil kadalasan ang mga anak ay makukulit at pasaway. Dahil bilang ilaw ng tahanan, ikaw ang magsisilbing unang guro ng iyong mga anak upang sila ay maihanda sa mga gawain ng paaralan. Ito ay isang halimbawa ng tungkulin sa pamilya. Inaasahan ring ikaw ay maging responsable, dahil ikaw ang nanay, inaasahan na ikaw ang gagawa ng mga gawain ng isang tipikal na may bahay, ito ay isang halimbawa ng tungkulin sa tahanan.
Ganoon rin kung ikaw ay nag-aaral o isang estudyante pa lamang, inaasahan na ikaw ay magiging masipag at matiyaga. Ikaw ay nararapat lamang na mag-aral ng mabuti upang ikaw ay magkaroon ng magandang kinabukasan, ito ay isang halimbawa ng tungkulin sa paaralan. Nararapat lamang din na ikaw ay tumulong sa iyong magulang sa mga gawaing bahay, ito ay isa rin sa mga halimbawa ng tungkulin sa tahanan.
Natutuwa kami na ikaw ay bahagi ng aming komunidad. Patuloy na magtanong at magbahagi ng iyong mga ideya. Sama-sama tayong magpapaunlad ng kaalaman para sa lahat. Gawin mong pangunahing mapagkukunan ang IDNStudy.com para sa maasahang mga sagot. Nandito kami para sa iyo.