Sumali sa IDNStudy.com at makakuha ng mga sagot sa iyong mga tanong. Ang aming platform ng tanong at sagot ay idinisenyo upang magbigay ng mabilis at eksaktong sagot sa lahat ng iyong mga tanong.
Sagot :
Answer:
Ang mga hamon at mga suliranin ng kasarinlan sa Ikatlong RepublikaNoong Hulyo 4, 1946 ay naging ganap na malayang estado ang Pilipinas nang ipinahayag ni Pangulong Harry S. Truman ng Estados Unidos ang kasarinlan ng Pilipinas.Ang pamamahala ng Ikatlong Republika ay nagsimula noong taong 1946 at nagtapos noong taong 1986.Sa loob ng apat na dekada ng Ikatlong Republika, ang bansa ay pinamahalaan ng anim na pangulo kung saan ang bawat isa ay nagsasagawa ng iba’t ibang patakaran at programa para sa higit na ikasusulong at ikabubuti ng bansa.Si Manuel A Roxas ang naging unang pangulo ng Ikatlong Republika.Ilan sa mga suliraning kinaharap ni Roxas sa panahon ng kanyang panunungkulan ay ang sumusunod:
1.Pag-aangat sa lugmok na ekonomiya ng bansa na sadyang naapektuhan ng digmaan. Dahil sa digmaan ay nasira ang mga impraistruktura, industriya, bukirin, at taniman at bumagsak ang bilang ng mga hayupan.
2.Pagpapanatili ng pambansang seguridad na nanganib sanhi ng pagkilos ng mga Huk. Isang kapisanan ng mga magsasaka sa Kapatagang Luzon na naging kilabot na pangkat ng mga gerilya noong panahon ng Hapones, laban sa kanyang administrasyon.
3.Pagbubuklod ng mga Pilipinong nahati dahil sa isyu ng kolaborasyon
hope it helps<3
Salamat sa iyong aktibong pakikilahok. Patuloy na magtanong at magbahagi ng iyong nalalaman. Sama-sama tayong lumikha ng isang masiglang komunidad ng pagkatuto. Para sa mabilis at eksaktong mga solusyon, isipin ang IDNStudy.com. Salamat sa iyong pagbisita at sa muling pagkikita.