IDNStudy.com, ang iyong mapagkakatiwalaang platform para sa mga eksaktong sagot. Ang aming platform ng tanong at sagot ay idinisenyo upang magbigay ng mabilis at eksaktong sagot sa lahat ng iyong mga tanong.

paano naimpluwensiyahan ng heograpiya ang pag-unlad ng kabihasnan sa pulo ng Crete?


Sagot :

Kabihasnang Minoan sa Isla ng Crete

Sa isla ng Crete umusbong ang kabihasnan ng Minoan. Mabilis na umunlad ang pamumuhay ng kabihasnang Minoan sa pamumuno ni Haring Minos dahil sa heograpiyang katangian nito. Nang dahil sa lokasyon nito na napapalibutan ng karagatan, naging madali ang paraan ng pakikipagkalakalan sa mga kalapit na teritoryo. Ang naging pangunahing produkto ng mga Minoan ay ang palayok na yari sa luwad at mga tanso na ginawang sandata. Ipinagpapalit nila ito sa mga butil ng pagkain, ginto, at pilak.  

Sa kasalukuyang panahon, ang isla ng Crete ay ang tinaguriang pinakamalawak at pinakamataong isla na kabilang sa mga Griyegong isla.

#BetterWithBrainly

Pinagmulan ng mga Minoan: https://brainly.ph/question/1814330