IDNStudy.com, ang platform na nag-uugnay ng mga tanong sa mga sagot ng eksperto. Sumali sa aming platform ng tanong at sagot upang makatanggap ng mabilis at eksaktong tugon mula sa mga propesyonal sa iba't ibang larangan.

ano ang kahalagahan ng pananahi


Sagot :

KAHALAGAHAN NG PANANAHI

Pananahi - isang gawain o hanapbuhay kung saan pinagdurugtong ng isang dalubhasang mananahi ang mga tela o katad. Para makagawa ng iba't ibang kagamitan at kasuotan na mayroong iba't ibang disenyo.

Modesta - ito ang tawag sa mga babaeng mananahi na karaniwang sumusunod sa modang pangkasuotan ng panahon.

Sastre - tawag sa mga lalaking mananahi.

Mahalaga ang pananahi dahil ito ay isang kakayahan na hindi lahat ng tao ay madaling matutuhan. Ito'y isang malaking pangkabuhayan na may malaking tulong sa ating ekonomiya at kalakal. Gayundin napakahalaga ng pananahi sapagkat kung wala ito hindi makakabuo ng iba't ibang magagandang muwebles, kagamitan at kasuotan na magagamit natin sa pang-araw-araw gayundin dahil sa pananahi marami ng mga Pilipinong modesta at sastre ang nakilala sa ibang bansa dahil sa husay nila at sa mga kakaibang disenyo na ginawa ng mga ito.

https://brainly.ph/question/1265219

#LetsStudy