Magtanong at makakuha ng eksaktong mga sagot sa IDNStudy.com. Sumali sa aming platform upang makatanggap ng mabilis at eksaktong tugon mula sa mga propesyonal sa iba't ibang larangan.

paano mo maibabahagi ang mayamang kultura, kasaysayan at tradisyon ng iyong bansa sa buong mundo?​

Sagot :

Answer:

Kahit saang sulok ng mundo, kilala ang Pilipinas hindi lang sa natatanging tanawin kundi maging sa magagandang katangian at kaugalian ng mga Pilipino.

Sa katunayan nga, itinuturing ng mga banyaga na “Most Hospitable” locals ang mga Pilipino dahil sa magagandang katangian ng mga Pinoy.

Kilala ang mga Pilipino dahil sa magagandang katangian ng mga ito. Alamin ang iba’t ibang kaugalian at tradisyon ng mga Pilipino. Narito ang kaugalian ng mga Pilipino na dapat mong malaman.

•Bayanihan

Isa sa magandang mga kaugalian ng Pilipino na talagang ipinagmamalaki ng mga Pinoy ay ang bayanihan. Ito ay ang sama-samang pagtutulungan ng taumbayan sa mga nangangailangan. Isang simpleng halimbawa na lang ay ang paglilipat-bahay kung saan nagtutulungan ang mga kapitbahay na magbuhat ng mga gamit. Hanggang ngayon ay buhay na buhay pa rin iton tradisyon ng mga Pilipino. Dito mo makikita ang pagpapahalaga sa kulturang Pilipino ng mga Pinoy.

•Pagtawag Ng “Ate” At “Kuya” Sa Nakatatandang Kapatid

Likas sa kulturang Pilipino ang pagiging magalang. Kung sa ibang bansa ay sa pangalan lang tinatawag ng mga bata ang mga nakatatanda nilang kapatid, dito sa Pilipinas, ang tawag sa kapatid na matandang babae ay “ate” habang “kuya” naman ang tawag sa kapatid na matandang lalaki. Simbolo ito ng respeto sa mga nakatatandang kapatid. Isa ito sa mga ipinagmamalaking tradisyon ng mga Pilipino. At isa rin ito sa magagandang katangian ng mga Pinoy na nagpakilala sa kanila sa mundo.

•Panghaharana

Isa pang tradisyong nakaukit sa kulturang Pilipino ay ang panghaharana. Karaniwan itong ginagawa ng lalaki para sa kaniyang nililigawan pero ngayon, ginagawa na rin ito sa panunuyo at pakikipagbalikan sa mga magkasintahang nagkalabuan. Ginagawa ito sa pamamagitan ng pagkanta ng lalaki sa babaeng kaniyang sinusuyo. Puwede itong gawin nang may tugtog o acapella. Kaya kung naghahanap ka kung ano ang kaugalian ng mga Pilipino para sa mga romantiko, harana ang sagot d’yan. Bagamat hindi na kasing dalas gaya ng dati ang panghaharana, nananatili pa rin ang tradisyon na ito pero ginagawa sa pamamagitan ng makabagong teknolohiya. Sa pangkalahatan, ang harana ang isa sa mga natatanging bahagi ng kultura ng mga Pilipino.

•Malugod Na Pagtanggap Sa Bisita

Gustung-gusto ng mga banyagang bumibisita sa Pilipinas ang magandang asal ng mga Pilipino gaya ng malugod na pagtanggap sa bisita. Sa katunayan nga, kilalang isa sa pinaka hospitable locals ang mga Pilipino. Dahil dito, talagang binabalik-balikan ng mga banyaga ang Pilipinas. Ang malugod na pagtanggap sa bisita ay isa sa mga kaugalian ng Pilipino na ipinagmamalaki. Hindi lang ito simbolo ng magandang asal at katangian kundi maging ang maganda at mayamang kulturang Pilipino.

•Paggalang Sa Matatanda

Lubos na magalang ang mga Pilipino, mapa-matanda man o bata, kahit sino pa ang kausap, magalang ang pananalita ng mga lokal. Ilan sa mga tanda ng paggalang sa matatanda ay ang pagmamano, pagsasabi ng “po” at “opo”, pagtulong sa kapwa, at marami pang iba. Importante ito sa mga Pinoy kaya ang paggalang sa kapwa ay isa sa mga pinapahalagahang kaugalian ng mga Pilipino.

•Pagmamano

Isa pa sa mga kaugalian ng mga Pilipino na hanggang ayon ay hindi pa rin nawawala ay ang pagmamano. Tinutukoy nito ang pagkuha sa kamay ng nakatatanda at ilalapat ito sa noo ng nagmamano, sabay sasabihing “mano po.” Madalas itong isinasagawa bilang pagbati sa pagdating o bago umalis. Bata pa lang ay tinuturuan na ng matatanda ang mga mga bata para isabuhay ang ganitong kultura ng Pilipinas.