Makakuha ng kaugnay na sagot sa lahat ng iyong katanungan sa IDNStudy.com. Sumali sa aming platform upang makatanggap ng mabilis at eksaktong tugon mula sa mga propesyonal sa iba't ibang larangan.

Paraan at Pagsulat ng Tabloid​

Sagot :

Ang tabloid ay isang uri ng dyaryo na mayroong masmaliit na sukat ng pahina kaysa sa broadsheet, bagaman walang pamantayan na sukat para sa tabloid. Ang terminong tabloid journalism (o periyodismong tabloid), kasama ang paggamit ng malalaking imahe, ay nagbibigay-diin sa mga paksa tulad ng mga kahindik-hindik na kwento ng mga krimen, astrolohiya, tsismis, at telebisyon. Gayunman, ang ibang respetadong dyaryo, tulad ng The Independent at ng The Times ay may parehong sukat sa tabloid, at ang sukat na ito ay ginagamit sa United Kingdom ng halos lahat ng lokal na dyaryo.

Doon, ang sukat ng pahina ay humigit-kumulang na 430mm x 280 mm (16.9 pulgada x 11.0 pulgada). Sa Estados Unidos, ito ang karaniwang porma na ginagamit ng mga dyaryong alternatibo. Ang ilang dyaryong maliliit na umaangkin ng mas mataas na pamantayan ng pamamahayag ay tumutukoy sa kanilang sarili bilang mga diyaryong compact.