IDNStudy.com, ang iyong mapagkukunan para sa malinaw at mabilis na mga sagot. Ang aming komunidad ay narito upang magbigay ng detalyadong sagot sa lahat ng iyong mga katanungan.
Sagot :
Paano nga ba mapapabuti ang Kalagayang Panlipunan ng Brazil?
Ayon sa teksto, ito ang mga maaaring ipatupad o gawin upang mapabuti ang kalagayang panlipunan ng Brazil:
- Upang mapabuti ang kalagayang panlipunan ng Brazil ay dapat pagtulungan ng pribado at pampublikong sektor ang pagbibigay ng programang may kinalaman sa pagpapaunlad ng ekonomiya magmula sa edukasyon, maliliit na negosyo hanggang sa malalakii at pribadong sektor.
- Ang tungkulin ng pampubliko at pribadong institusyon ay magbigay ng tulong sa mga maliliit na negosyante upang lalong mapaunlad ang kabuhayan at mag karoon ng maraming oportunidad para sa mga bagong trabaho. Magsagawa ng polisiyang magpapatibay at magsasaayos ng pantay na kumpetisyon sa mga negosyante. Dapat din mapag tuunan ng pansin ang mga proyektong makalilikha ng kahit maliliit na hanapbuhay para sa taong bayan.
- Maisaayos ang pag gastos ng pera ng mamamayan upang mapangalagaan ang kapakanan ng mamamayan at ang kanilang pangangailangan sa aspeto ng kalusugan, pensyon at edukasyon. Lalo rin isaayos ang serbisyong pang publiko ng pamahalaan at maitaas ang kalidad ng mga imprastraktura upang mapadali at maisaayos ang daloy ng malalaki at maliliit na negosyo.
- Sa tulong ng pribadong sektor at pamahalaan ay mapalago ang kasalukuyang negosyo upang marami ang magkaroon ng maayos na trabaho at manggagawa.
- Bigyan ng prayoridad ang mga walang kakayahan mag aral sa pamamagitan ng pagbibigay ng mababang bayad o libreng edukasyon na may programa na tungkol sa pagpapaunlad ng ekonomiya at imulat ang publiko na makiisa sa mga layunin ng pamahalaan dahil para ito sa kapakanan ng lahat.
Sa mga bansa kagaya ng Brazil na may suliraning pang ekonomiya ang solusyon ay nasa pagtutulungan ng pamahalaan at taumbayan mapaunlad ang isat isa at maiwasan ang panlalamang at mapagtibay ang patas na kumpetisyon para sa maliliit na negosyo maging sa mga manggagawa.
Ito ang ibang mga kasagutan na naaayon sa katanungang ito:
https://brainly.ph/question/438532
https://brainly.ph/question/211832
https://brainly.ph/question/211627
Salamat sa iyong pakikilahok. Patuloy na magbahagi ng iyong mga ideya at kasagutan. Ang iyong kaalaman ay mahalaga sa ating komunidad. Para sa mabilis at maasahang mga sagot, bisitahin ang IDNStudy.com. Nandito kami upang tumulong sa iyo.