Makakuha ng eksaktong at maaasahang sagot sa lahat ng iyong katanungan sa IDNStudy.com. Hanapin ang mga solusyong kailangan mo nang mabilis at madali sa tulong ng aming mga eksperto.

Pagsasalaysay na muli (Panimula, Gitna, Wakas) gamit ang pang-ugnay sa kuwento.
Ang Punong- Kawayan


sa isang bakuran, may ilang punungkahoy na may kanya-kanyang katangian. Mabunga ang Santol, mayabong ang Mangga, mabulaklak ang Kabalyero, tuwid at mabunga ang Niyog. Ngunit sa isang tabi ng bakuran ay naroroon ang payat na Kawayan.


Minsan, napaligsahan ang mga punungkahoy.


Tingnan ninyo ako, wika ni Santol. Hitik sa bunga kaya mahal ako ng mga bata.


Daig kita, wika ni Mangga. Mayabong ang aking mga dahon at hitik pa sa bunga kaya maraming ibon sa aking mga sanga.


Higit akong maganda, wika ni Kabalyero. Bulaklak ko'y marami at pulang-pula. Kahit malayo, ako ay kitang-kita na.


Ako ang tingnan ninyo. Tuwid ang puno, malapad ang mga dahon at mabunga, wika ni Niyog. Tekayo, kaawa-awa naman si Kawayan. Payat na at wala pang bulaklak at bunga. Tingnan ninyo. Wala siyang kakibu-kibo. Lalo na siyang nagmumukhang kaawa-awa.


Nagtawanan ang mga punungkahoy. Pinagtawanan nila ang Punong Kawayan.


Nagalit si Hangin sa narinig na usapan ng mga punungkahoy. Pinalakas niya nang pinalakas ang kanyang paghiip. At isang oras niyang pagkagalit ay nalagas ang mga bulaklak, nahulog ang mga bunga at nangabuwal ang puno ng mayayabang na punungkahoy. Tanging ang mababang-loob na si Kawayan ang sumunud-sunod sa hilip ng malakas na hangin ang nakatayo at di nasalanta.


Sagot :

Answer:

[PANIMULA]

Sa isang bakuran, may ilang punongkahoy ang naroon; si Santol, Mangga, Kabalyero, Niyog at Kawayan. Sila ay may kanya kanyang maayos na katangian, maliban kay Kawayan.

[GITNA]

Sila'y nagpaligsahan, lahat ay nag pakitaan ng yabang maliban kay Kawayan. Tinawanan nila ito sapagkat sya ay nagmumukhang kawawa sa kanyang katangian. Nang marinig ito ni Hangin sya ay nagalit! isang oras niyang pinalakas ang kaninyang pag-ihip.

[WAKAS]

At lahat ng punongkahoy ay nasalanta, nahulog ang mga bunga, nalagas ang mga bulalaklak, nangabuwal ang kanilang puno. Ngunit tanging si Kawayan lang ang natirang nakatayo at di nasalanta.

"THE END"

—ahm di ko po sure if ayos na ba yan or tama, basta ayun sana makatulong lang