IDNStudy.com, ang iyong pangunahing mapagkukunan para sa mga sagot ng eksperto. Alamin ang mga detalyadong sagot sa iyong mga tanong mula sa aming malawak na kaalaman sa mga eksperto.
Answer:
Ang ellipsis ay binubuo ng tatlong magkakasunod na tuldok. Ito ay ginagamit tuwing nagtatanggal ng mga salita sa orihinal na pahayag. Ito ay maaaring parirala, salita, linya, o talata. Ginagamit din ito upang makatipid sa paggamit ng space sa isang talata. Ang orihinal na mensahe/diwa ng talata ay nanatili pa rin kahit may ellipsis.
Ang ellipsis ay karaniwang ginagamit upang mapaikli ang isang pahayag.
Kailan ito ginagamit?
Narito ang mga pagkakataon na ginagamitan ng ellipsis
Pagtanggal ng salita o pangungusap sa isang pahayag
Pause o pagtigil sa pagsasalita
Hindi tapos na kaisipan ng pangungusap
Pagpapahayag ng hindi katiyakan o uncertainty sa isang pangungusap