Makakuha ng mga sagot mula sa komunidad at mga eksperto sa IDNStudy.com. Alamin ang mga maaasahang sagot sa iyong mga tanong mula sa aming malawak na kaalaman sa mga eksperto.
Sagot :
Answer:
Mahalaga para sa isang tao ang paggawa sapagkat ito ang paraan upang makapaglingkod sa iba at maitaguyod niya ang kanyang dignidad.
Ang tao ay pinagkalooban ng Diyos ng talento upang siya ay patuloy na umunlad bilang kasapi ng kanyang komunidad. Kabilang na dito ang matalinong paggamit ng agham at teknolohiya.
Dapat na maunawaan ng tao na ang paggawa ay mayroong panlipunan aspekto at hindi dapat ihiwalay ang pagiging responsible para sa pag – angat ng kultura at moralidad ng lipunang kanyang kinabibilangan.
Kailangan ng tao gumawa bilang tugon sa nais ng Diyos at sa pangangailangan na panatilihin at paunlarin ang sangkatauhan.
Ang paggawa ang nagbibigay ng katuturan sa buhay ng tao. Sa pamamagitan ng paggawa nakakamit ng tao ang mga sumusunod:
suporta para sa pansariling pangangailangan
pagpapayaman ng pagkamalikhain
mataas na tiwala sa sarili
dangal sa pagkato
pagkakataong makisalamuha at makisama sa iba
pagkakataong isabuhay ang tunay na pagbibigay
pagkakataon na maipagpatuloy ang bokasyon
pagiging kabahagi sa paggawa tungo sa kaganapan ng sarili at ng kapwa
magampanan ang tungkulin sa Diyos
Kahulugan ng Paggawa: brainly.ph/question/895442
Explanation:
Brainliest please
Maraming salamat sa iyong pakikilahok. Huwag kalimutang bumalik at magtanong ng mga bagong bagay. Ang iyong kaalaman ay mahalaga sa ating komunidad. Gawin mong pangunahing mapagkukunan ang IDNStudy.com para sa maasahang mga sagot. Nandito kami para sa iyo.