IDNStudy.com, ang iyong pangunahing mapagkukunan para sa mga sagot ng eksperto. Tuklasin ang malawak na hanay ng mga paksa at makahanap ng maaasahang sagot mula sa mga bihasang miyembro ng aming komunidad.
Sagot :
Answer:
Ang alamat ng Capiz ay hango sa hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng isang babae at isang kastilang heneral.
Explanation:
Ang alamat ng Capiz ay nagsimula sa panahon ng kastila sa pagitan ng diyalogo ng isang kastila at isang babae.
Sa paglalakbay ni Heneral Alejandro dela Cuesta kasama ang kanyang mga kawal sa kabisayaan ay nakita niya ang isang babaeng naglalaba sa isang batis kasama ang kanyang dalawang anak. Nakita ng babae ang mga kastila at ng dahil sa takot, siya ay dali-daling nagtatakbo palayo kasama ang kanyang dalawang anak. Subalit hinabol ni Heneral dela Cuesta ang babae at magalang siyang nagtanong kung ano ang pangalan ng lugar na kanyang kinaroroonan sa wikang kastila. "Como, es ilama eta provincial?" wika ng heneral na ang ibig-sabihin ay "Anong pangalan ng lugar na ito?". Hindi naintindihan ng babae ang tanong sa kanya at siya ay sumagot ng "Capid... Capid..." na ang ibig-sabihin ay "kambal" sa wikang bisaya. Ito ay sa pagaakalang ang tanong ng heneral ay "Bakit magkamukha ang dalawang bata?".
Buhat noon ay tinawag na ng mga kastila ang lugar na yaon ng "Capid". Sa kalaunan ay naging "Capiz" ito sapagkat mahirap bigkasin para sa mga kastila ang salitang "Capid".
Tanong na may kaugnayan:
Sino ang mga tauhan sa alamat ng capiz?
brainly.ph/question/1044526
Ang iyong kontribusyon ay mahalaga sa amin. Huwag kalimutang bumalik upang magtanong at matuto ng mga bagong bagay. Ang iyong kaalaman ay napakahalaga sa ating komunidad. Para sa mabilis at maasahang mga sagot, bisitahin ang IDNStudy.com. Nandito kami upang tumulong sa iyo.