Suriin ang IDNStudy.com para sa detalyadong mga sagot sa iyong mga tanong. Sumali sa aming interactive na platform ng tanong at sagot para sa mabilis at eksaktong tugon mula sa mga propesyonal sa iba't ibang larangan.
Sagot :
Answer: Inaprubahan kamakailan sa House Committee on Population and Family Relations ang panukalang magkaroon ng absolute divorce sa Pilipinas, at nakatakda na itong pagdebatihan sa plenaryo sa Kamara de Representantes. Pero dapat nga bang magkaroon ng diborsyo sa bansa?
Sa ulat ng GMA News "Unang Balita" nitong Biyernes, sinabing ipinunto ng mga nagsusulong ng panukala na ang Pilipinas na lamang ang hindi pumapayag sa absolute divorce bukod sa Vatican City.
Ayon sa netizen na si Evangeline Delgado, pabor siyang magkaroon ng diborsyo lalo kung hindi na "worth it" ang pagsasama at hindi na dapat ipilit.
Bukod dito, mas mabuting magdiborsyo na lamang ang mag-asawa kaysa makita ng mga anak ang kanilang pagtatalo, at pag-usapan na lamang nila ang sustento.
Pabor din Zarena Sangalang para makalaya na ang mga nakararanas ng pang-aabuso mula sa mga asawa.
RELATED STORIES
Pagbabayad ng buwis ng influencers, vloggers, nasa batas nga ba?
Japanese boxing champ na si Inoue, handang sagupain si Casimero
Lalaking sinita na 'di tama ang suot na face mask, bigla raw bumunot ng baril
Tutol naman sa diborsyo si Alison Van, dahil sagrado ang kasal at maaaring dumami ang mga broken family.
Dagdag pa niya, wala ring perpektong mag-asawa kaya alamin na lang ang problema at alamin ang dapat gawin para sa ikabubuti ng pamilya.
Tutol din si Cheng Bagayan, lalo kung maaari namang ayusin at pag-usapan na lamang ang problema ng mag-asawa.
Sinabi naman ni Tintin Pineda na mas mainam na magkaroon na lang ng batas na magpaparusa sa mga kabit.
Explanation:
Answer:
Diborsyo sa Pilipinas
Explanation:
Kung sakali mang maipatupad ang diborsyo sa Pilipinas, tiyak na hindi mawawalan ng mga taong maapektuhan nito. Ang mga panauhin na pihadong maaapektuhan dito ay ang mga anak ng maghihiwalay na mag-asawa, dahil maaaring humina ang pakikipag-ugnayan ng mga anak sa mga magulang sa kadahilanan na hiwalay na ang mga ito, at posible rin itong makaapekto sa kanyang pagiisip o sa pagtanaw sa buhay. Maaari ring magdulot ang diborsyo ng emosyonal at pangkaisipan na pagkabalisa ukol sa karanasan nito na humantong sa diborsyo ang problemang mag-asawa. Ang pagdidiborsyo ay hindi pagtatapos ng responsibilidad bilang isang magulang sa mga anak, ngunit ito ay pagtatapos ng relasyon ng mga magulang.
; quote
Ang isyung diborsyo ay matagal nang pinagdedebatihan ng mga mambabatas. Ito na nagnanais na ihain para sa mga Pilipino ay itinuturing ding isang pamamalakad na sasangayon sa pamilya, mga bata, at kababaihan, sapagkat ayon sa karamihang pangyayari sa mga mag-asawa, mga babae ang gustong umalis sa mapang-abusong relasyon. Ang proseso nito ay magsisimula sa pagoobserba sa mag-asawa sa ilalim ng anim na buwan bilang huling pagsasama upang magkasundo. Ang pagpapatupad nito sa Pilipinas ay magbibigay diin sa tumataas na bilang ng mga inaabuso sa sariling tahanan. Kasama na sa panukalang batas na ito ang sitwasyon ukol sa pangangalaga sa mga anak, paghahati ng mga pag-aari ng mag-asawa, at “alimony” o pera na matatanggap ng isang asawa.
Ang iyong aktibong pakikilahok ay mahalaga sa amin. Magpatuloy sa pagtatanong at pagbabahagi ng iyong nalalaman. Sama-sama tayong lumikha ng isang mas matibay na samahan. Sa IDNStudy.com, kami ay nangako na magbigay ng pinakamahusay na mga sagot. Salamat at sa muling pagkikita.