Makahanap ng eksaktong solusyon sa iyong mga problema sa IDNStudy.com. Sumali sa aming platform upang makatanggap ng mabilis at eksaktong tugon mula sa mga propesyonal sa iba't ibang larangan.

Ano ang kahulugan ng asignatura



Sagot :

Ano ang Asignatura?

Ang asignatura o subject ay isang sangay ng kaalaman na pinag-aaralan o tinuturo sa eskwelahan, kolehiyo o unibersidad.  

Ang mga asignatura ay napapalitan o nadaragdagan sa bawat taon ng pag-aaral. Magkakaiba ang mga asignaturang tinuturo sa elementarya, sekondarya, at kolehiyo. Sa bawat asignatura maaaring magbigay ang mga guro ng mga takdang- aralin o mga proyekto sa mga mag-aaral upang lalong madagdagan o mapalawak ang kanilang kaalaman sa mga asignaturang pinag-aaralan.

Mga halimbawa ng asignatura at mga paksa  

1. English

  • Ang Ingles bilang isang paksa ay prosa ng panitikan, tula, dula, at iba pa.

2. Mathematics

  • Ang matematika (mula sa salitang Griyego na “mathema” na ang ibig sabihin ay "kaalaman, pag-aaral" ay kasama ang pag-aaral ng mga paksang tulad ng dami (bilang teorya), istraktura (algebra), puwang (geometry), at pagbabago (pagtatasa sa matematika).

3. Filipino

  • Ang asignaturang ito ay lumilinang sa mga kasanayan sa pakikinig, pagsasalita,pagbasa, pagsulat at pag iisip sa Filipino.

4. Science and Technology

  • Ang agham at teknolohiya ay isang paksa na sumasaklaw sa agham, teknolohiya, at mga pakikipag-ugnayan sa pagitan ng dalawa.

5. Araling Panlipunan

  • Ay ang pinagsama-samang pag-aaral ng maraming larangan ng agham panlipunan at ang mga humanities, kabilang ang kasaysayan, heograpiya, at agham pampulitika.

6.  P.E (Physical Education)

  • ay "edukasyon sa pamamagitan ng pisikal".Nilalayon nitong mabuo ang kakayahang pisikal.

7.  MAPEH

  • ay isang grupo ng asignatura sa paaralan Ito ay nangangahulugan ng Music, Art, Physical Education at Health. Mahalaga ang mga ito dahil pinapayuhan nila ang mga mag-aaral at tinutulungan silang masiyahan at matuto ng mga bagong bagay.

8. T.LE. (Technology and Home Economics)

  • Bilang isang paksa sa sekondarya, ang mga bahagi nito ay: Home Economics, Agri-Fishery Arts, Industrial Arts, at Teknolohiya at Komunikasyon.

9. Computer

  • Pinag-aaralan dito ang computer graphics, operating system, programming language at development environment.

10. Biology

  • ay isang sangay ng agham na tumatalakay sa mga buhay na organismo at kanilang mga mahahalagang proseso.

11. Chemistry

  • ay ang pag-aaral ng bagay, ang mga katangian nito, kung paano at bakit pinagsama o hiwalay ang mga sangkap upang mabuo ang iba pang mga sangkap, at kung paano nakikipag-ugnay ang enerhiya sa mga sangkap.

12. Physics

  • ang pag-aaral ng bagay at paggalaw nito sa pamamagitan ng spacetime at lahat ng nagmumula sa mga ito, tulad ng enerhiya at lakas.

Ano ang Guro?

Ang guro o titser ay isang tao na tumutulong at gumagabay sa mga mag-aaral upang magkaroon ng kaalaman.  Sila ay may mahalagang papel na ginagampanan sa pagkakaroon ng edukasyon ng bawat tao.  

Ano ang Punong-guro?

Ang punong-guro ang siyang namumuno sa isang paaralan. Siya ang gumagabay sa mga guro sa mga dapat nilang ituro sa mga mag-aaral upang masiguro ang kalidad ng edukasyong. Nagbibigay sila ng mga panuntunin o mga batas upang  mapanatili ang kaayusan at kalinisan ng paaralan.

Ano ang Paaralan?

Sa paaralan isinasagawa ang pormal na pagtuturo ng mga aralin. Ito ang lugar kung saan nag-aaral ang isang mag-aaral. Ang mga mag-aaral sa bawat baitang ay may kanya-kanyang silid-aralan sa paaralan. Maliban sa silid-aklatan makakakita din tayo dito ng silid-aklatan, hardin, opisina ng punong-guro at ang iba pa nga ay may simbahan.

Para sa karagdagang kaalaman tungkol sa paksang ito, maaaring magpunta sa mga link na ito:

Ano ano ang mga asignatura sa paaralan sa panahon ng mga amerikano:  https://brainly.ph/question/1747141

Kaugnayan ng ekonomiks sa iba't ibang asignatura:   https://brainly.ph/question/359565