Makakuha ng mabilis at maaasahang mga sagot sa iyong mga tanong sa IDNStudy.com. Sumali sa aming platform ng tanong at sagot upang makatanggap ng mabilis at eksaktong tugon mula sa mga propesyonal sa iba't ibang larangan.

Aralin Natin Basahin ang maikling tula tungkol sa "Malasakit sa Kapuwa". Sagutin ang sumusunod na tanong. Malasakit sa Kapuwa Isinulat ni Joyce Mae B. Babao Sa panahong kailangan ang ating tulong. Huwag tayong mag-atubili at tayo ay lumusong Agad nating ibigay sa ating kapuwa ang kanilang kailangan. Nang bawat problema na kinakaharap ay malalampasan Lagi nating ipakita ang malasakit sa ating kapuwa Lalo na ngayon sa panahon ng COVID - 19 na Pandemya Mga protocol ng gobyerno na sa atin ay ibinigay Atin itong sundin para tayong lahat mamuhay ng ligtas at matiwasay Unahin na muna natin ang kapakanan ng iba Sariling interes, ipagpaliban muna, Huwag puro negatibo at reklamo ang iparating sa gobyerno, Bagkus, bilang Pilipino tumulong na tayo sa ikauunlad ng bansang ito. Sa panahon tayong lahat ay nahihirapan, Huwag sana nating kalimutan magmalasakit sa ating lipunan. Laging itatak sa ating isipan, problema natin ay panandalian lamang Lalo na kung ang lahat ng tao ay nagtutulungan. Sagutin: 1. Ano ang tawag sa pandemyang nararanasan natin ngayon? 2. Bakit kailangan nating sundin ang mga protocols ng gobyerno tungkol sa COVID-19?​