IDNStudy.com, ang iyong destinasyon para sa mga maaasahang sagot. Ang aming komunidad ay handang magbigay ng malalim at praktikal na mga solusyon sa lahat ng iyong mga katanungan.

1.PAMAMARAAN
Panuto: Basahin at unawain ang tula

Karapatan:

Lahat tayo ay na naninirahan sa mundo
ano man ang estado sa mata ng Diyos ay pantay-pantay tayo.
Bata man o matanda ay may karapatan,
mahirap man o mayaman ay may karapatan na dapat ipaglaban; makapag-aral, manual, magmahal, mabigyan ng pangalan,
mahalin, maproteksiyonan, respetuhin at
magkaroon ng tahanan ay ilan lamang sa mga
karapatang dapat nating gampanan.
Kaya karapatan ay pahalagahan.
Upang lahat ay magkaintindihan.
At huwag hayaang matapakan kahit sino man.

Mga Tanong:

1. Ano ang nilalaman ng tula?

2. Anu-anong mga karapatan ang nabanggit sa tula?

3. Alam mo ba ang ilan sa iyong karapatan bilang isang bata? Bukod sa nabanggit sa tula, anu-ano pang karapatan ng bata na alam mo?

4. Sa iyong palagay lahat ba ng tao ay may karapatan? Bakit?

5. Sa paanong paraan mo pahahalagahan ang iyong karapatan bilang bata?​


Sagot :

Answer:

1. Tungkol sa karapatan ng tao.

2 Karapatan makapag-aral, mabuhay, magmahal, mabigyan ng pangalan, mahalin, maproteksiyonan, respetuhin, at magkaroon ng tahanan.

3.Magkaroon ng sapat na pagkain, malusog at aktibong katawan, mabigyan ng sapat na edukasyon, mapaunlad ang kakayahan, mapagbigyan ng pagkakataong makapaglaro at makapaglibang.

Mabigyan ng proteksyon laban sa pang-aabuso, panganib at karahasan,maipangtangol at matulungan ng pamahalaan, makapagpahayag ng sariling pananaw.

4.Oo , dahil tayong lahat ay pantay pantay sa harap ng batas at may karapatang mamuhay kahit anong estado ng buhay.

5.Susundin ko ang aking karapatan ng maayos at alinsunod sa batas para ako ay maging isang ehemplo sa aking sariling bansa.