IDNStudy.com, ang platform na nag-uugnay ng mga tanong sa mga solusyon. Tuklasin ang libu-libong mga sagot na na-verify ng mga eksperto at hanapin ang mga solusyong kailangan mo, anuman ang paksa.

Panuto: Sagutin ang mga tanong patungkol sa kuwentong nabasang muli . Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.

1. Bakit kaya nag-iimpok ng pagkain si Langgam?
a. Nag-iimpok ng pagkain si Langgam dahil masipag siya.
b. Nag-iimpok ng pagkain si Langgam dahil maganda ang panahon,
C. Nag-iimpok ng pagkain si Langgam dahil marami siyang nakitang pagkain. d. Nag-iimpok ng pagkain si Langgam dahil pinaghahandaan niya ang tag-ulan.

2. Ano ang katangian ni Langgam ang nagustuhan mo? Bakit?
a. Nagustuhan ko ang pagiging masipag ni Langgam, dahil masipag din ako.
b. Nagustuhan ko ang pagiging masipag at mapag-impok ni Langgam, dahil gusto ko itong gayahin.
c. Nagustuhan ko ang pagiging masipag at mapag-impok ni Langgam, dahil marami siyang makukuhang pagkain kaysa kay Tipaklong.
d. Nagustuhan ko ang pagiging masipag, mapag-impok at pagiging matulungin ni Langgam dahil ito ang dapat kong tularan.

3. Anong katangian ni Tipaklong ang nagustuhan mo? Bakit?
a. Nagustuhan ko ang pagiging masayahin ni Tipaklong, dahil masayahin din ako.
b. Nagustuhan ko ang pagiging mapagkumababa ni Tipaklong, dahil hindi tama ang pagmamalaki.
c. Nagustuhan ko ang pagtanggap sa kamalian ni Tipaklong, dahil maitatama ang maling nagawa sa pagtanggap ng kamalian.
d. Nagustuhan ko ang pagiging mapagkumbaba at pagtanggap ng kamalian ni Tipaklong, dahil ito ang dapat kong tularan kapag ako ay nagkamali. > Kasingkahulugan/ Kasalungat Halimbawa: Makukulay na banderitas ang bubungad sa iyo papasok bayan.

4. Sino kina Langgam at Tipaklong ang nais mong tularan? bakit?
________________________________________________________________________________________________
5.Kung may humingi sa iyo ng pagkain dahil siya ay nagugutom,bibigyan mob a siya ng pagkain?Bakit?________________________________________________________________________________________________​